Part 99: May pasok na!

0 0 0
                                    

May pasok na ako bukas so meaning hindi na bakasyon kaya I have to end this book na. Masaya naman na naka-abot ng 105 parts ang book na 'to, meaning marami akong nagawa habang bakasyon. Well totoo naman, marami talaga akong ginawa kahit bakasyon. Hindi na ako maga-update dito kasi hindi na namin bakasyon at may pasok na ako, panibagong book na about my  journey ang gagawin ko at ia-update ko.

I am enjoying sharing with you guys kung anong ganap ko sa buhay. Parang may kachikahan ako always kapag nagsusulat ako tungkol sa araw ko dito.

Hindi pa kumpleto mga ibang gamit ko, pero this days is oorder na para makumpleto na namin sila. And nakatoka na rin pala ako sa pagbabayad ng internet namin, kaya ko naman siya monthly kaya sabi ko, ako nalang magbabayad para less gastos kay Mama ko. Maliit lang naman binabayaran sa internet.

Wala pa akong uniform, magpapatahi palang ako kaya civilian muna ang susuotin ko sa pasukan. Baka next next week may uniform na ako. Mas maganda kasi talaga kung naka-uniform na pumapasok.

And also, bibili akong bagong bag. Kasi maraming nakalagay sa bag ko like essentials pa tsaka lunch box ko pa kaya kailangan ay malaki ang bag ko, kaya oorder ako ulit ng bago. Tsaka black shoes ko, gusto ko may takong kasi pang-teacher yung uniform type namin kaya para mas feel ko yung uniform is may takong dapat yung school shoes ko.

Wala namang problem sa pag-aayos ko sa face ko.

Nag-set din ako ng goals for myself para ngayong school year and sana masunod ko siya. Mag-aaral akong mabuti para hindi sayang ang tuition fee ko na 22,000 per school year. Jusko. Iba pa ang gastos sa uniform at iba pang mga kailangan habang nag-aaral ka.

Update ako sa last part tapos outro na!

Mwa!

Hey! It's Me! (Book 5: Bakasyon Edition) Where stories live. Discover now