My Secret Admirer: Me [Part 1]

112 13 5
                                    

"They say live a life of chasing joy. That's what I did and it led me to... Hershey's." Mama said and opened a pack of Hershey's chocolate.

Nakaupo ako sa kandungan niya at pinagmasdan ang pagbukas niya nito.

"Hershey's was, is, and will forever be my deeply rooted joy. Wanna know why?" Mama asked me at tanging tango lamang ang sinagot ko. She smiled, her dimples visible.

"There are three reasons why. First, when I was a child nang niregaluhan ako ni grandmama mo ng Hershey's chocolate, I fell in love at first bite. Since then, it has become my utmost favorite.

Second, when I was in high school, I met your father. Intrams nun at sa opening ceremony may malaking pinata sa basketball court. When the principal hit the pinata, it cracked open at tumalsik ang sandamakmak na chocolates. Syempre out of all isa lamang ang inaabang ko and that's Hershey's at pinagpala nga naman ako dahil may nakita ako sa mismong harapan ko. Ngunit laking gulat ko ng dalawa kaming pumulot nito. Nagkakatitigan kami ng papa mo and as cliche as it may, I fell in love at first sight. Mind you, sa amin ng papa mo I fell first but he fell harder." Biro ni mama at napatawa na lamang ako. Ang cute ng encounter nila ni papa.

"Lastly, the third reason is you." And mama cupped my cheeks and planted a gentle kiss on my forehead.

"You were the greatest joy ever bestowed upon me and your father. That's why we named you Herschel meaning savoring the sweet moments and from ours that moment is you."

At sinubo ako ni mama nung Hershey's na binuksan niya kanina at nilalasap ang tamis dulot ng tsokolate at sa sandaling iyun kung saan kasa-kasama ko pa siya.

"Herschel, in every moment may you find what brings YOU joy that shapes a piece of YOU."



I heave a breath at naglakad patungo sa aking locker. Hindi mawari ang pagbilis ng pintig ng aking puso nang papalapit na'ko. Nang nasa harapan na ako ay mas bumilis ito nang makita ko ang isang Hershey's bar at Hershey's kisses sa itaas ng aking locker.

Kinuha ko ito mula sa taas at agad na pinagmasdan. Napapangiti kong tinanaw kung anong flavor sa araw na ito ang chocolate bar and it's milk chocolate. Mas lalong lumawak ang ngiti sa aking labi at sunod ay napatanaw ako sa Hershey's kisses.

Hindi ko alam pero bigla na naman akong kinabahan. Sinulyapan ko ang ibaba nito at parang tinamaan na naman ako ng pana ni cupido nang makita ang nakasulat doon.

Kissed with love,
P.S. I really like you.

Uminit ang pisngi ko sa nabasa at agad na binuksan ang aking locker at isinobsob ang mukha ko sa loob at nagpapadyak sa kilig.

Ngunit napasigaw ako sa gulat ng may biglang tumapik sa aking balikat.

Nakarinig naman ako ng pagtawa at paglingon ko ay agad kong nahawakan ang puso ko sa kaba.

My Secret Admirer✔Where stories live. Discover now