"Wait kunin ko lang yung notes ko." Sabi ko sa kanya at binuksan muli ang locker ko ngunit nagtaka ako dahil may nakapatong na bamboo sa notebook ko.
Pinulot ko ito at sinuri.
Kanino 'to galing?
"Ano yang hawak mo? Patingin." Sulpot ni Blythe sa tabi ko. Pinakita ko sa kanya ang bamboo at lumiwanag ang mukha niya.
"Hala ang cute! Kanino kaya yan galing? Ha ha ha." Tinaasan ko siya ng kilay. Weird niya ngayon.
Tsaka panong cute? It's just a bamboo.
"Dali, buksan mo na 'yan!" Excited niyang sabi.
"Pano mo nalaman na mabubuksan 'to?" Usisa ko. Bigla siyang napakamot sa ulo.
"O-obvious kaya dahil kitang-kita ang lid niya."
Ba't siya nauutal?
I shrug at binuksan na nga ang bamboo at bumungad sa'kin ang dalawang parchment paper sa loob. Kinuha ko ito at binuklat ang unang papel. It's a... map?
May mga dotted trail leading from my locker towards the school rooftop na may nakaukit na pulang X.
"A treasure map! Bongga naman ng pagkakadrawing niyan. Plus points sa effort!" Proud na sabi ni Blythe. Tinitigan ko ang mapa at di mapigilang mapangisi. Ang cute kasi ng drawing. Bata siguro ang gumuhit nito.
"Yung isa namang papel, bilis!" Atat niya. Napapailing na lamang ako at binuklat na nga ang pangalawang papel with burnt edges.
This time it was a... poem.
HEAVEN SENT
I knew the day we met
You were heaven sentYou were
You are
All I've ever looked forward toMeeting you was a nice accident
Being your friend was fatedWho am I?
Tao, hayop
Bagay, lugar
How will you know?Let's meet at the rooftop
6 pm, see you thereP.S. Your Secret Admirer
The rhythm of my heart accelerated. Sa wakas. Makikilala ko na rin ang taong 'to.
My secret admirer
"Sabi ko na nga bang may secret admirer kanga, e!" Panunukso ni Blythe habang kinikiliti ako sa tagiliran.
"Ewan ko sa'yo." At umalis na nga doon. Ayokong makita niya ang pamumula ng pisngi ko.
***
Nasa tapat na'ko nang pinto ng rooftop. Nanginginig ang kamay ko sa kaba habang hawak ang doorknob ng pinto.
Muli akong huminga ng malalim at unti-unting binuksan ang pinto.
Bumungad sa'kin ang isang tent na may nakahalaray na mga cushions, blankets, and pillows sa loob. There's also lots of hanging string lights. May ilan ding nakasabit sa labas ng tent at sa buong railings ng rooftop.
May malaking lamesa rin doon sa gilid na puno ng pagkain.
Pero ang mas tumatak sa'kin ay ang nasa pinakagitna ng rooftop kung saan may malaking guhit na pulang X. May dalawang upuan dun where a giant Hershey's chocolate bar plushie is seating sa bandang kaliwa habang isang maliit na Hershey's kisses plushie naman ang nasa kanan.
Hahakbang na sana ako papalapit doon nang biglang bumukas ang pinto ng rooftop.
Dug...dug...dug...
"Herschel"
Nilingon ko ang taong 'to at hindi mapigilang mapangiti habang may namumuong luha sa mga mata ko.
I knew it would be you.
"Blythe..."

YOU ARE READING
My Secret Admirer✔
Teen FictionEvery Friday, Herschel's locker gets a surprise visit from her secret admirer. All that's left is for her to... guess who? _ My Secret Admirer Status: Completed Written by: golden_crescent Language: Taglish Started&Ended: August 9, 2023 #HersheysMode