My Secret Admirer: Him [Part 2]

66 13 0
                                        

"Kainis ka, Blythe! Muntik nang sumalangit ang kaluluwa ko sa'yo." Inis kong sabi tsaka siya hineadlock.

"Awts! Kahit kailan mapanakit ka talaga, Herschel." Sabi niya ng makawala siya sa'kin.

"Tsk," maktol ko na mas lalo niyang ikinatuwa.

''What ️causes this ️uncharacteristic melancholy ️in your ️countenance?️"

Taka ko siyang tiningnan. Ano raw?

She began to giggle habang nang-gigigil na kinurot ang magkabilang pisngi ko.

"Aww ang kyut kyut talaga ng beshy ko." Pagbababy niya.

"Cute daw pre, haha!"

"Sayang Herschel maganda ka sana kaso kadiri 'yang peklat mo sa mukha!"

Pambubuyo ng dalawa kong kaklase at rinig ko rin ang bulungan at tawanan ng mga nakikinuod sa'min.

"Asan kayo nung umulan ng kagaguhan? Kayo ang panget mga bangag! Gusto niyo suntukan?!" Galit na sigaw ni Blythe at susugurin niya na sana sila kaso pinigilan ko siya. She gave me a look but I shook my head.

Oo, may peklat ako sa kanang bahagi ng aking mukha. Nagkaroon ako ng second degree burn nung ten years old ako that's why nalapnos ang ibang parte ng aking noo at mata. Aksidente kasing natapunan ng kumukulong tubig ang mukha ko. Ginulat ko kasi si Nanang nun while she's carrying a kettle kaya ayun tumalsik yung mainit na tubig sa kanang bahagi ng mukha ko.

Everything became a blur after that basta tumatak lang sa'kin yung hysterical na pag-iyak ni papa. Dinaig pa niya si Nanang.

Anyways, I'm used to being bullied dahil sa itsura ko. But just because I'm used to it doesn't mean it doesn't hurt anymore. Pero okay lang, I don't see myself as beautiful even when Blythe, Papa and Nanang says so.

Hi gorgeous

Bigla kong naalala ang mensahe sa isa sa mga Hershey's kisses na natanggap ko these past months.

Oo nga pala. May isa pa palang taong naniniwala na maganda raw ako. Sino kaya ang taong 'to?

This person who always leave a Hershey's bar and Hershey's kisses sa itaas ng locker ko every Friday. Nagsimula ang lahat ng 'to since August. Three months have passed.

Tukso ni Blythe, secret admirer ko raw 'to pero ang labo.

Sino ba naman kasi ang magkakagusto sa'kin? Sa itsura kong 'to?

"Totoo naman, e. Kung di lang dahil sa peklat niya edi sana-" Hindi natuloy ang sasabihin ng kaklase ko ng may bumunggo sa balikat nito.

"Tabi," malamig na tugon ng lalaking bumunggo sa kanya. Matangkad siya, naka all black. Hindi ko makita ang mukha niya kasi naka face mask ito.

"Huy, ang laki ng daan dito ka pa talaga dumaan?!" Inis na sigaw ng kaklase ko kaso hindi siya pinansin ng lalaki at patuloy lamang itong naglakad paalis.

Kumabog bigla ng dahan-dahan ang puso ko habang sinundan ng tingin ang misteryosong lalaking 'yun.

"Pabida much." Bulong ni Blythe.

"Huh?" Taka kong tanong. Nanglaki ang mata niya at tumawa ng mapakla.

"W-wala. Tara na malalate na tayo!"

At doon palang may kutob na ako.

My Secret Admirer✔Where stories live. Discover now