Ikaw lamang habambuhay

46 0 0
                                    

Ako'y umiibig sa isang tulad mo
Pagmamahal ko sayo ay totoo
Ni walang halong biro
Wala na yatang makikitang tulad mo
Ako'y umaasang magtatagal tayo
Ikaw lamang hanggang dulo

Diyos na ang bahala
Siya'y ilagay sa gitna
Dahil tayo ay nakatadhana
At ang itinakda
Sa Hirap man o sa ginhawa
Kasama kang tumanda

Ikaw lamang ang mamahalin iibigin
Huwag lang sa iba titingin
Sapagkat ikaw ay aking kukulamin
Lahat hahamakin
Huwag lang mawalay sa akin
Pagkat ikaw aking sasakalin

Sa Pagsapit ng bukangliwayway
Ang puso't isip sa'yo ibibigay
Ikaw lamang habambuhay
Walang makakapaghihiwalay
Siraan man ng mga kapitbahay
Sa ating pagkikita ako'y maghihintay

Ito'y iyong pakatandaan
Nandito lamang ako para ika'y damayan
Tayong dalawa ay nagmamahalan
Sa dulo luluhod sa simbahan
At Doon tayo'y magsusumpaan
Mahal kita magpakailanman

Ako man minsa'y may tililing
Ako rin ay may pagkamalambing
Sa mga susunod pang mga araw na darating
Isa lang ang tanging maihihiling
Ikaw lang ang gustong makapiling

My Unsaid Feeling, and Thoughts Where stories live. Discover now