Ano Ba Talaga Tayo? (PT2)

32 0 0
                                    

Ano Nga Ba Tayo
Nakatatak sa isipan ko
Kung ano ba talaga tayo
Mahal mo ba talaga ako
O sadyang mahal mo lang ako
Sapagkat ako lang ang nasa tabi mo
Hindi ko na malaman ang mga kinikilos mo
Ayos naman tayo
Pero bakit parang iba na ako sayo
Wala ka ng pakialam sa mararamdaman ko
Ayos Nga Ba Tayo?
Pero bakit parang ang layo na nang loob mo

Bakit parang nagbago ka na?
May iba na ba? May bago na ba?
Ikaw ba ay wala ng gana
Kaya kapag ako'y kausap ay wala ng sigla
Ikaw ba ay sawa na?
Ako ay laging umaasa
Araw - araw ako'y nababalisa
Gabi-gabi ang mata ay namamaga
Sa kakaisip habang lumuluha
Wala na ba talagang pag-asa?
Hindi ka na ba masaya?
O lumigaya ka na talaga sa piling ng iba

My Unsaid Feeling, and Thoughts Where stories live. Discover now