Third Person POV
"Umiinom ka nanaman" Inagaw niya ang basong may lamang alak para ilayo sakin "Kalimotan mo na kasi yon, nandito naman ako eh" Anya
Lasing ko siyang tinignan "Hindi ikaw siya kaya paano kita mamahalin?"
"Ang sakit mo magsalita ha"
Inirapan ko siya at humalumbaba nalang sa bar counter, saka tinignan ang mga sumasayaw sa dance floor nitong bar na pinuntahan ko
Ewan ko ba sa kanya kung sa paanong paraan niya ba ako nahahanap tsk kaya ko siya binansagang "stalker" kasi kung saan man ako magpunta ay bigla nalang siyang sumusulpot
Kagaya ngayon... Heto nanaman siya
"Alam mo, makakalimotan mo raw ang isang tao kapag hindi mo na maramdaman yong sakit na nangyari sa inyong dalawa" Anya
Palagi siyang ganyan sa tuwing nakikita niya ako
"Hindi ako worth it mahalin na klase ng tao, masama kasi akong babae" Sabi ko naman
Umupo siya sa upoang malapit sakin "Hindi porke nakagawa ka ng mali sa nakaraan ay idedefine na non kung anong klaseng tao ka sa kasalukuyan"
"Hindi mo alam ang sinasabi mo" Bumaba ako sa upoang inokupa ko kanina at tumingin sa relo ko "Alas tres na pala ng umaga" Susuray-suray akong naglakad palabas ng bar
Hahawakan ko palang ang handle ng pintoan nang may maunang lumabas rito kaya nasanggi ako na naging dahilan ng pagbuwal ko sa pagkakatayo
"Careful" Anya pagkasalo sakin
"Thanks" Pasasalamat ko sa kanya ng muli kong maibalanse ang aking sarili "Huwag mo na ko sundan"
Nakalabas naman ako ng ayos at papunta na sa sasakyan ko ng agawin niya ang susi ko
"What do you think your doing?" May bahid na ng inis kong turan sa kanya
"Ako na ang magdadrive, lasing ka mahirap maaksidente" Sagot niya
"Ano bang pakialam mo? Kung maaaksidente ako wala ka ng pakialam ron! Mas mabuti nga yon para hindi ko na maramdaman 'tong masakit na dinadala ko!" Sigaw ko sa kanya saka siya tinulak
"Hindi solusyon ang iniisip mong yan para takasan yang nararamdaman mo Miss" Binuksan niya ang pinto ng sasakyan ko "Pumasok ka na, ihahatid na kita kung saan mo gusto"
"Alin ba sa tigilan mo na ko ang hindi mo maintindihan ha? Hindi naman tayo magkakilala pero sunod ka ng sunod sakin!"
Sinara niyang muli ang pintoan ng kotse ko at hinarap ako "Nakakainggit yong mga taong mahal mo" Sabi niya imbes na umalis "Sana alam nila kung ano yong halaga ng pinakawalan nila"
"Anong halaga ang sinasabi mo? Hindi ako mahalaga, kabit lang naman ako kaya paano ako naging mahalaga?"
"Nagmahal ka lang ng taong sa tingin mo tama para sa iyo" Sagot niya sakin
Hindi ko alam kung dala lang rin ng kalasingan ko kaya ako naiyak sa harap niya "Pero hindi pa rin non mababawasan ang nagawa kong pagkakamali!"
YOU ARE READING
mon béguin
Romance"The worst feeling in the world is when you can't love anyone else because your heart is still belongs and beating to the one who broke it" -anonymous