/Alliana's dance performance ☝️/Note: I imagine AC Bonifacio 🙊
Alliana Quinn Cervantes
When I woke up this morning, A mysterious letter arrived at my door kasama ng mga bills ko sa condo... At first, hindi mo agad mapapansin kasi parang sinadya na ihalo sa mga mails
Well? Hindi ko na muna binuksan kasi baka invitation lang eh kaya dinedma ko na at itinabi kasama ng ibang mails ko, saka ko nalang siguro bubuksan pag naisipan ko na
Luxe Haelynn calling...
Im brushing my hair when Luxe call me
"Hey, what's up?" bungad ko
"Nasa University ka na ba Yans?"
"Papunta palang bakit? Papasundo ka ba?"
"Nah Im already here, may favor lang sana ako uling hihingin sa iyo?"
"Luxe ha, kota ka na haha ano ba yon?"
She laughs "Pano ba naman kasi? Ayaw ako pansinin ni Eloise kanina pa at nagtatampo raw siya satin"
Tumaas naman ang kilay ko "At bakit naman aber?"
"Eh kasi raw di natin siya sinama sa lakad natin at presentation number for our university week haha nakita niya kasi sa program list ang names natin" she explained "Kaya ayon! Nagdadrama si gaga" she laughed again
Pati tuloy ako natawa na at napailing nalang si Eloise talaga may pagka-isip bata kung minsan
"Okay fine, ako ng bahala"
"Ocakes! nga pala Yans let's have one more round of practice later when you got here na ha? Just call me, mag asikaso lang ako sa booth ng course namin"
"Alright, paalis naman na ako sa condo"
"Susundoin mo ba ang pinsan ko?"
"Hindi eh haha nauna na siya sa WRU kasi may monitoring pa sila para sa mga preparations"
"Perks of having a Student Council President girlfriend nga naman, anyway ingats ka sa pagdadrive Yans!"
"I will!"
Matapos ang tawag ay kinuha ko na ang gamit ko para makaalis na papuntang University
I don't know what to feel today actually kasi sobrang mixed emotions haha, paano ba naman kasi? nakakakaba, nakakaexcite at syempre proud din kasi we will showcase our talents later for our University Week's presentation para sa lahat since may mga outsiders ding manonood
Hindi naman na bago sakin ang makisali sa mga presentations sa events ng school na gaya nito kasi high school palang ako ay nakikilahok na ako to gain confidence and mapractice na rin ang talent na meron ako
YOU ARE READING
mon béguin
Romantiek"The worst feeling in the world is when you can't love anyone else because your heart is still belongs and beating to the one who broke it" -anonymous