PROLOGUE

6 3 0
                                    

(Somewhere in San Pablo, Laguna)

"Shit, Shan! Takbo andyan na mga parak" sigaw ni Marco habang kumakaripas ng takbo papunta saakin.

"Tangina naman oh!" Tanging nasambit ko na lang at binitawan ang lalaking hawak ko.

Kung minamalas ka nga naman ohh!

Ng makarating sa akin si Marco ay nilisan ko nalamang ang lugar kung saan ko iniwan ang lalaking hawak hawak ko kanina. Halos sabay na kame ni Marco tumatakbo papalayo.

"Asan yung iba?" Hinihingal kong tanong habang tumatakbo padin.

"Nauna na sila" tanging na sambit nito

Hinde na ako muling nag salita pa at patuloy pa din kame sa pag takbo papalayo sa mga humahabol na pulis, kung magkataon na mahuli kame ulit ay talagang katapusan ko na naman.

Ilang eskinita na ang nadaanan namen dipa din kame tinatantanan ng mga parak na ito pagod na pagod na kami. Ng sawakas ay naka labas na kame sa masisikip na eskinita ay bigla nalang kame napa hinto.

"Gagongina"

Halos mapa sampal ako ng ulo ng makita kong na corner na kame ng mga pulis andito kaming anim naka taas ang mga kamay sa ere nakapalibot saamin ang mga pulis at police mobile nila.

"Tsk. Tsk" pailing iling na sambit ng isang pulis na to habang papalapit saamin para posasan kame isa isa

Wala na nga kame nagawa ng tuluyan na kame pinang sasakay sa police mobile

"Ayan dapat lang sa inyo yan ng mag sisi tino kayo nakaka perwisyo na kayo dito!" Sigaw ni aling Marisol sa amin.

"Wag ka mag alala aling Marisol sasusunod kasama kana namin sa mahuhuli! Nakaka perwisyo nadin pagiging chismosa mo!" Sigaw pabalik ni Clurt

"HAHAHAHAHAH" Sabay sabay na tawa namin ng marinig iyon

"Aling Mirasol antayin mo kami lumabas pag balik namin i kwento mo sa amin mga nalakap mong chismis ha!" Singhal naman pabalik ni Franky

Ay oo nga naman oh!

Na sa gantong sitwasyon na nga kami at nakuha pa talaga namin mag tawanan.

Di bale minsan lang mabuhay kaya lulubuslubusin ko na.

Tuluyan na nga umandar ang police mobile at dinala kame sa prisinto.

"Kayong mga Bata kayo kelan nyo balak mag tino hah! Eh halos gawin nyo ng bahay itong prisinto dahil sa katigasan ng ulo nyo!"  Pag mimisa sa amin ni
Hepe---este panenermon.

"Siguro po pag ubos na lahat ng buhok nyo sa ulo" naka ngising saad ni Syrus

"Hahahahahahhaha"  pag tawa naming anim

Napa sapo nalang ang Hepe sa ulo nya

May katandaan na si Hepe, namamanot nadin dahil sa konsomisyon sa amin.

"TAMA NA! talagang inuubos nyo ang pasensya ko ah. I will report everything that all of you've done sa mga magulang nyo" lintaya nito sabay kuha ng cellphone nya

Anak ng tokwa nga naman ohh, patay ako nito eh..

"Bwiset ka talaga Syrus kung nanahimik ka nalang kase" sumbat ni Marco kay Syrus

"Ohh bakit ako? tumawa din kayo ah Ibigsabihin Moral support yun" depensa naman ni Syrus

"Anong moral support! Utak mo Moral support saan na ako pupulutin nito sure ako cut lahat ng atm ko shit naman oh!" Ani naman ni Belo o El na kala mo iiyak na

Akmang mag sasalita pa ako ng may sinabi si Hepe

"Quiet! Be ready nasabihan ko na ang mga magulang nyo and gladly sila mismo ang mag susundo sa inyo!" Lintaya ni Hepe na syang nag pa tigil ng mundo ko.

Patay na.


_
A/N: Next?

Parak (Pulis)-lengwahe ng mga tambay everywhere..

That Titibo-tibo Girl Is MineWhere stories live. Discover now