Naalala mo pa ba kung pano tayo nagsimula?
Mga araw na kung saan tayo ay nagkakilala
Salitang nais bitiwan ay kusang kinakapa
Sa pagbanggit ay tila nauutal pa
Mga ngiting namumutawi ay may halong kaba
Kamay na nanlalamig ay tila 'di na maigalaw paMga masasayang araw na ating pinagsaluhan
Mga tawanan at kulitan na tila walang katapusan
Ligayang naramdaman ay abot ng sukdulan
Kay sarap sa pakiramdam, ang puso'y walang pag-alinlanganNgunit bakit biglang nagbago?
Sa isang iglap lahat ay na bago
Anong nangyari at humatong sa ganito
Ang daming tanong at sa isip ay gumugulo
Saan magsisimula — hindi na alam kung pano
Tadhana sa atin ay sadyang mapaglaro
Sayang nagliyab sa ating munting puso ay pinaglahoMahirap man ang magpatuloy ngunit kailangan
Umusad ng kahit paunti-unti upang sakit ay malampasan
Mga alaalang nabuo ang siyang naging kasabayan
Luha at sakit ang naging kaagapay upang magpatuloy sa labanNgunit hindi na ito katulad ng dati
Wala ng ngiti sa labi
Sugat man ay maghihilom sapagkat mananatili ang hapdi
Ang mga alaala sa puso't isipan ay kusang mananatili
Samantalang sa aking pagkatao, ikaw, kailanman ay hindi na magiging bahagi.
YOU ARE READING
Wakas
PoetrySooner or later we've all got to let go of our past. Prove to yourself that you can create your own happiness. Always remember that you do not need to rely on someone else to make you feel as though life is worth living .