Chapter 2

12.4K 139 14
                                    

Chapter 2

Parang sasakit buong gabi ang ulo ni Dale sa sinabi nito. Kaya ayaw niya dito. Masiyadong agresibo. Parang hindi babae kumilos.

"Ano'ng sabi mo?" kunot noong tanong niya.

"Sabi ko kain ka. Ito unahin mo lasagna," all smile pa rin na sagot nito.

Napailing siya at sumubo na.

Natigilan siya sa pagnguya nang sumayad sa dila niya ang lasagna. Walangya. Ang sarap. Saktong-sakto ang alat, may sipa ng kaunting asim at ang lambot ng noodles sakto rin. Hindi malabsa.

"Masarap?" hopeful na tanong nito

"Pwede na," hindi ngumingiting aniya.

Ewan. Ayaw niyang bigyan ito ng positive na sagot. Lihim siyang napangisi nang umayos ito ng upo at nanahimik na.  Mukhang hindi na siya nito kukulitin. Buti naman.

"Happy Birthday Lolo Greg!" anang Nanay niya na hawak ang chocolate cake kaya napakanta sila ng birthday song.

"Wish ka Lolo!" ani Dylan habang nakatapat dito ang cellphone nito.

"O sige. Sige," nakangiting anang matanda saka pumikit at hinipan ang kandila makalipas ang ilang saglit.

Palakpakan naman sila.

"Ano'ng winish mo Lo?" usisa ni Dahlia.

"Siyempre ano pa ba? Sana pahaba-habain pa ang buhay ko kung hindi man ako gumaling. Para may makasama ka."

Sandaling natahimik si Dahlia.

"Lo...naman. I'll be okay. Kung hindi mo na kaya don't force yourself. I promise I'll be your good girl forever, saka andiyan naman si Kuya Warren," ani Dahlia na nangingilid ang luha.

Somehow kahit asar siya dito, ramdam niya ang simpatya para dito. Kawawa nga naman ito pag naiwang mag-isa.

Hindi niya alam kung natrain na ba itong humawak ng iba't-ibang negosiyo ng Lolo nito. Pero kunsabagay nariyan naman ang Kuya nito.

"Iba pa rin 'yong alam kong may makakasama ka bago pa man ako mawala dito sa mundong ibabaw. Hindi ba Dale?" nakangiting baling sa kanya ni Lolo Greg kaya nagulat siya.

"Po?"

Ito na. Kinucorner na siya ng mga ito.

"O hindi ba nasabi sa iyo ng mga magulang mo? Ipinagkasundo ko na sa'yo si Dahlia."

"N-Nasabi naman po kaya lang seryoso ba talaga kayo do'n? Ni hindi ko po nililigawan ang apo niyo," seryosong sabi niya.

"Naku okay lang 'yon. Saka mo na ligawan pag mag-asawa na kayo," parang balewalang mungkahi nito.

"Oo nga! Hindi naman ako maselan. O kung gusto mo, ako manliligaw sa'yo. Sige na marry me!" singit ni Dahlia na kanina lang ay malungkot, ngayon balik panghaharot na naman sa kanya.

Tawanan ang mga ito sa hayagang pagkagusto sa kanya ng dalaga. Ibig niyang mapangiwi pero pinigilan niya ang sarili dahil ayaw niyang masaktan ang damdamin ni Lolo Greg lalo na at may sakit pa man din ito.

"Ganito na lang. Date my apo within 2 to 3 months. Tapos kung hindi mo talaga magustuhan, eh, di saka ako hahanap ng ibang mapapang-asawa niya," ani Lolo Greg nang hindi siya makapagsalita.

Marahil ay ramdam nito na tutol siya talaga sa arranged marriage. Para sa kanya napaka old school niyon.

Hindi dapat pilit ang pagpapakasal. Hindi rin dapat dinidiktihan ang nararamdaman ng kahit na sino. Maling-mali iyon.

My Naughty Love [Published Under Lifebooks]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon