Chapter 3
Ngiting-ngiti si Dahlia habang papasok sa unang klase niya. Nasa huling taon na sila ng kursong Information Technology.
Sa totoo lang hindi naman talaga siya mahilig sa programming pero naaliw na rin siya sa kumplikadong mundo ng mga I.T.'s
Si Shaun Dale lang talaga ang pasok sa criteria ng pagiging I.T. dahil related dito ang kumpanya ng mga ito.
Ang Villamor Electronics. They sell mobile phones, tablets, TVs and home theaters, computers, printers, home appliances at kung anu-ano pa na ang mga ito din ang gumagawa.
Sa pagkakaalam niya, sa Lola nito sa father side namana ang negosiyong iyon dahil parehas naman kasing vet ang mga magulang nito.
Ang swerte nga raw ng makakatuluyan ni Shaun Dale, regardless, wala siyang interest sa wealth ng family nito. Dahil ito mismo ang gusto niya.
Samantalang ang pamilya ni Dahlia ay mas kilala sa clothing line bukod sa iba pa nilang negosiyo. Kung minsan hobby niya ring magsketch ng mga kung anu-ano'ng stilo ng damit. At kadalasan kapag naiisip niya si Shaun Dale ay idinudrawing niya ang magiging wedding gown niya.
May Kuya rin siya, si Warren. Pero nakabase ito ngayon sa Italy at bihira umuwi, pero nang malaman nito ang sakit ng Lolo nila ay nagbabalak na itong umuwi.
"Hoy Dahlia! Parang ang saya-saya mo naman today?" puna ni Peachy nang makapasok siya ng lab. Bukod sa software, may subject din sila sa hardware na kung anu-ano'ng klase ng wirings ang ipinapaconnect at kailangang paganahin.
Sa totoo lang, Pocholo naman talaga ang pangalan nito, pero dahil feeling nito ay girl ito, hayun isinilang ang pangalang Peachy. Kaibigan niya ito mula first year college palang sila. Ang kutis nito ay parang sa babae dahil maputi at makinis. Kasing taas niya ito at palaging pak na pak ang kilay.
Apat sila sa barkada. Siya, si Peachy, si Nathalia at si Liam.
"Siyempre. Dami na ngang problem ng earth, malulungkot pa ba tayo?" malayong sagot niya saka naupo sa tabi nito.
Pero sa totoo lang masaya siya dahil may first kiss na siya. Ninakawan niya kasi ng halik kagabi si Dale. Lakasan lang iyon ng loob. Hindi man ito nagresponse pero proud siyang nahalikan niya ito.
Naalala na naman niya nang halikan niya ito kagabi. Kilig much talaga. Ang sherep...
"Tumpak. Uyyy...si Shaun Dale, oh!" pasimpleng nguso nito sa pintuan kaya nagbalik siya sa kasalukuyan.
Di naman kasi lingid sa mga ito na love na love niya si Shaun Dale. Pati nga yata buong campus alam ang pagkakagusto niya dito dahil very vocal talaga siya sa feelings niya dito.
"Hi Shaun Dale!" masiglang bati niya sa binata nang mapadaan ito sa gawi ng table niya.
Literal na bumilis na naman ang tibok ng puso niya. Gwapong-gwapo ito sa suot na deep grey polo shirt at skinny jeans. Fresh din at halatang bagong shower.
BINABASA MO ANG
My Naughty Love [Published Under Lifebooks]
RomanceHindi gusto ni Shaun Dale ang mga babaeng hindi nahihiyang manligaw sa lalaking gusto ng mga ito. Tulad ni Dahlia na hayagan ang pagkagusto sa kanya, halos literal na ligawan talaga siya nito. Ngunit sa tuwing humihiling ito ng yakap at mainit na h...