Chapter 25

46.7K 930 87
                                    

"I will marry you when we grow up" the little boy said to the little girl. Maybe they were around seven years old

"Promise?" the little girl showed her cute pinky finger.

"Promise." the little boy intertwined their fingers and a bright smile appeared on their face.

"What if I'm already gone before that happens?" the little boy became serious.

"I won't let that happen."

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na nagmumula sa bintana.

What a weird dream. I feel like totoong totoo ang panaginip ko. Naalala ko ang itsura ng mga bata pero hindi ko naman sila namukhaan. Nakilala ko ba sila sa isang orphanage na binibisita namin? Pero mukhang mayaman sila eh.

I tried not to think about that dream, it was just a dream anyways.

I got up and did my morning routine. Lumabas na din ako sa kwarto at nakita si Camille na nakaupo sa dining table.

"Good morning" she greeted.

"Good morning. Wala kang pasok?" Nagtimpla ako ng kape at umupo sa katapat na upuan nya. Coffee is really my comfort drink.

Umiling ito at kumagat sa kanyang toasted bread. "Day-off. Ikaw? Additional off mo diba? Gala tayo. Tagal na nating hindi nakakalabas."

I think that's a good idea. It's saturday today at wala naman akong nakaplanong gawin.

"Sige, anong oras?"

"Lunch? 6pm pa naman ang dinner sa bahay diba?"

Tumingin ako sa wall clock. 9 am pa lang naman.

Oo nga pala, ngayon ko ipapakilala si Laurence kay tita Carol at tito Daniel. Ang daldal kasi nitong si Camille. Naisumbong agad ako kina tita.

"Sabihin mo kay Laurence, maghanda na sya. Isang maling sagot lang nakahanda na ang baril ni Daddy."

Of course that's a joke. Sobrang bait ni tito Daniel at tita Carol. Kaya nga hindi ko alam kung saan nagmana tong si Camille. Mabait naman si Camille, kapag tulog?

11 am ay nagtungo na kami ni Camille sa mall.

Naglalakad kami nang may maramdaman akong sumusunod kaya napatingin ako sa likod and saw Cedric na nakapamulsa habang nakasunod sa amin. Nakashades ito at nakacap.

Kumaway ito sakin and I smiled.

I sighed. I am really not comfortable with this set up. Nagpapalitan sila sa pagbabantay sakin kapag hindi ko kasama si Laurence and I feel like I am a burden to them.

Alam ko naman may mga sariling trabaho sila kaya mas lalong nakakahiya.

And besides, I am not related to them. So I don't know why they're doing this.

"Is there any problem Steph?" Camille asked. Maybe she noticed that I am looking at the back.

Umiling ako.

"Nah. Let's go sa H&M"

Hinila ko na sya papasok sa store.

Nagtingin tingin kami ng mga damit. Nakailang store pa kami na pinuntahan bago magyaya si Camille na kumain.

Pumasok kami sa isang restaurant at agad na sinundan kami ng waiter. Iniabot nito ang menu na agad naming tiningnan ni Camille. Nang makaorder ay nag excuse na ang waiter.

Tumingin ako sa gilid ng restaurant at nakitang doon umupo si Cedric.

"How's your relationship with Titus?" Nabaling ang tingin ko kay Camille.

He's so Damn Possessive (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon