PROLOGUE

160 13 10
                                    

     PROLOGUE

"Charie, wait"

Napahinto ako sa tumawag sa pangalan ko.

Pag lingon ko.

Si Crush.

Omg! Bakit niya kaya ako tinawag?
Kailangan ko mag panggap na hindi kinikilig.

Kahit ang totoo,
Kinikilig talaga ako.
Hello! Sino bang hindi
kikiligin kung ang crush muna
ang mismong tumatawag sayo.

"B-bakit?" Bakit ako na uutal?

"May sasabihin sana ako sayo"

"H-ha ano yun?"

Huminga muna siya ng malalim,
inayos ang sarili saka ngumiti at nag salita.

"Charie may aaminin ako sayo.
Matagal ko na tong gustong sabihin sayo, kaso wala akong lakas ng loob para sabihin ito. Pero ngayon nasa harap na kita. Sasabihin ko na"

Napatitig lang ako sa kanya
habang nag sasalita siya sa harap ko.

Nag aantay ng kasunod na sasabihin niya.

Dub.. dub.. dub..

Bigla akong kinabahan.

Ano kaya yung sasabihin niya sakin?

Sasabihin niya ba na may..

"Charie may girlfriend na ko"

O kaya

"Charie may malala akong sakit"

Ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon. Kung ano ba talaga yung sasabihin niya sakin.

Di kaya? aamin siya sakin na may nararamdaman siya sakin.
(Assuming lang)

Pero kung aamin man siya sa akin.

Ito na rin kaya ang
tamang panahon para umamin
din ako sa nararamdaman ko para sa kanya??

Di ko alam kung ano ang sasabihin ko.
kung sakaling ganun nga ang mangyayari.

Dub.. dub.. dub..

KINAKABAHAN AKO.

Bigla niyang kinuha yung dalawa kong kamay.

Para akong na freeze ng hawakan niya ang kamay ko.

Medyo malamig yung kamay niya.
Siguro gawa din ng kaba.

Tinignan niya ito.
At unti - unti niyang
iniaangat sa dibdib niya.

Nagulat ako sa ginawa niya.

Dub.. dub.. dub..

Dub.. dub.. dub..

Dub., dub.. dub..

Napa ngiti siya sa akin.
Siguro na pansin niya na nagulat ako sa ginawa niya.

Nilapit niya pa lalo yung kamay ko sa dibdib niya.

Ramdam ko yung malakas na kabog ng puso niya.

Kinakabahan din siya, gaya ko.

"Alam mo ba kung bakit malakas ang tibok ng puso ko?" Seryosong tanong niya.

"K-kasi bu-buhay ka pa kaya ganyan" pilosopo kung sagot sa kanya at sabay ngiti ng weird.

Napangiti siya sa sinabi ko.

Ano ba!
Please lang,
Wag kana ngumiti ng ngumiti,
Lalo lang akong naiinlove sayo.

Bigla ulit siyang nagsalita.

My Seven Handsome ROOMMATES [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon