19

179 5 0
                                    

"At ano naman ang ginagawa natin dito aber?"

Nandito lang naman kami sa dalampasigan. I don't know why where here.

"Just wait" sabi niya at may tinignan.

Tinignan ko rin iyon at napamangha sa ganda. Sunset.

"The sun is saying goodbye again" bigla niyang sabi.

"The sunset is absolutely beautiful" namamangha ko namang sabi.

Totoo naman. Ang ganda talaga panoorin ang kalangitan pag lumubog na ang araw.

"Bakit mo ako dinala rito?"

"I just want you to see the sunset. That's all" kibit balikat niyang sabi.

Yun lang? Eh bakit naman?
For the first time in history, si Thanniel ang kauna-unahang lalaking kasama ko manood ng sunset.

Angelo —> sunrise
Thanniel —> sunset

"Bakit?"

"Huh? Anong bakit?" tanong niya, binalingan niya ako.

"Bakit ako?"

"Because I just want to see a sunset right now... Kaya sinama kita. Nakita kasi kita eh" dahilan niya

"At kailan ka naging interested sa mga ganyan eh puro naman trabaho inaatupag mo"

"You don't know me" sabi niya na may kunting lungkot sa mata.

Bakit sya malungkot? May sinabi ba akong mali?

"Let's go" sabi niya at pinagsiklop ang mga kamay namin.

Nagulat naman ako doon. Bigla niya akong pinapasok sa sasakyan niya at pinaharorot iyon sa kung saan.

Huminto kami sa isang restaurant. "Uhm....kakain tayo dito?" turo ko

"Yeah. Why?"

"W-Wala naman"

Bumaba na sya sa sasakyan. Bubuksan ko na sana ang pinto pero inunahan niya ako at ginaya palabas.

"Magandang gabi Sir-Maam. Have a seat" the waiter said.

Hindi ko napigilang humanga sa waiter. Ang ganda ng mata niya at may dimple po na mas nakapagpagwapo sa kaniya. Para syang modelo.

Nginitian ko lang yung waiter at umupo na sa upoan. Inabot ng waiter ang dalawang menu samin ni Thanniel.

Hinayaan ko nalang syang mag-order ng kung ano-ano. Hindi talaga ako sanay sa mga mamahaling restaurant. Oo aaminin ko na mayaman kami pero mas gusto ko yung mga fast food.

Minsan nga nag-aaway pa kami ni Kuya Christian nong bata pa kami. Gusto niya kasi sa restaurant yung nasa mall, well gusto ko doon sa mang inasal. Eh allergic iyon sa mga fast food. Sasama agad ang pakiramdaman, hayst pinapahalata niya talaga na may kaya sya.

"Can you wait for two minutes Sir-Maam? After that the food is ready" sabi niya at ngumiti.

Cute!

"Sige" sabi ko at nginitian sya. Pumula naman ang mga pisngi niya at naglakad na paalis.

"Can you stop flirting him"

Napatingin ako sa kaniya. Masama niya aking tinignan. Anong problema nito? Tsaka, nilalandi ko ba yun? Diba pwedeng attract lang? Oe naman nito.

"Hoi for your information Sir hindi ako lumalandi kaya chill ka lang" at pinapakita ko yung kamay ko at parang pinush iyon sa ere.

"Tss" narinig kong sabi niya.

Hindi ko nalang sya pinansin at nagtitingin sa paligid. Habang tumitingin, may nakita akong pamilyar na mukha. He's about to look at my direction but I suddenly grab the menu to cover my face at nagkunwaring may pinipili doon.

Bwesit! Bakit nandito sya

"What are you doing?" nagtatakang sabi ni Thanniel sakin. Nakataas pa ang isa niyang kilay.

"H-Huh? Ah... Nagtitingin lang ng pakain hehe"

"Nag-order na ako para sayo"

"Ah.. G-Ganun ba? Okay"

Pasimple kong tinignan ang direksyon ng lalaking pinagtataguan ko. Di pwedeng makita niya ako, sigerado akong malalalag-lag ang misyon ko nito.

"Ito na po ang inorder nyo Sir-Maam"

Bumalik na ang waiter na may dimples at inilapag ang inorder ni Thanniel. May isa ding tumulong sa kaniya.

"Can I get now the menu Sir-Maam?"

"Yes you can"

No!

Patay!

Tuluyan ng kinuha ang menu samin at naiwan kaming dalawa dito ni Thanniel.

"Eat" he said seriously

Pinulot ko ang buhok ko para takpan ang mukha ko.

"What the heck are you doing?"

"W-Wla to. K-Kumain ka na"

Sabi ko nalang at di inintindi ang nakakunot noong si Thanniel. Kumain narin ako.

Habang kumakain, hindi ko mapigilang kabahan dahil papalapit na yong taong tinataguan ko ngayon sa direksyon namin.

No. No. No.

"Crystal? Ikaw ba yan?"

Nanlaki bigla ang mata ko at dahan-dahang inangat ang ulo ko sa kaniya.

"Oi ikaw nga. What are you doing here... I mean diba may mission—"

"I'm sorry Sir, I don't know you and I don't know who's Crystal"

Bwesit ka Lennox! Ipapahamak mo talaga ako!

Kununot ang noo niya at sinuri ang buo kong mukha. Binaba ko ang kamay ko sapat na para di makita ni Thanniel.

May isininyas ako sa kaniya at buti naintindihan niya naman.

"Ow. Sorry Ma'am, akala ko kasi ikaw yong kaibigan ko hehe" kunwari napakamot sya sa ulo.

"Okay lang" sabi ko at umalis na sya. Nakita ko pa syang tumango at nag lip sync na 'goid luck' sakin.

Lennox is Angelo's bestfriend. Isa din syang secret agent na kakatapos lang ng misyon niya noong nakaraang buwan.

May tumikhim kaya napabalik ako sa ulirat.

"Finish your food" he said coldly

MISSION OR LOVE Where stories live. Discover now