The weight of beginning
Year 2022.
"KAI!! GUMISING KA NA! JUSKO ANONG ORAS NA! MAY PASOK KA PA!" Nabulabog ako sa lakas ng boses ng nanay ko.
ayan na naman ang machine gun
brrt brrt brtt..
Bumangon na ako agad tsaka kinuha ang phone ko na nasa gilid ko. First day pala ng limited face to face ngayon.
Nakakatamad naman kumilos lalo na nasanay na ako na palaging nasa bahay lang simula nung nagkaroon ng pandemic. Ngayon ko palang makikita pagmumukha ng mga kaklase ko kahit mag-da-dalawang taon na kaming nasa iisang section.
*ting*
Love sent you a message.Tiningnan ko ka-agad ang phone ko nang marinig ko itong tumunog nag-chat pala ang baby ko hehe
ay sus ang harot.
Love: Good morning love, eat your breakfast na and get ready for school. i love u❤️
Me: Good morning, kakagising ko lang.
BAAANGGG!!
Nabitawan ko ang phone ko nang magulat ako sa pagbalagbag ng kung sino sa pintuan ng kwarto ko.
"KAIA CHRISTINE RAINE MONTERO!! DIBA KANINA PA KITA GINIGISING SENYORITA???!!" Tumambad sa akin ang mukha ng galit kong nanay na parang handa nang kainin ako ng buhay.
Jusko, Sino si Christine?? Chryzten pangalan ko ma, CHRYZTEN!!! HUHUHU(╥﹏╥)
"Bilisan mo na kumilos at pupunta pa ako sa cafe at kailangan na ako nila Manang Dolores doon hay nako ka ang kupad kupad mo talagang kumilos iiwanan na kit-"
"Opo ma, kikilos na" agad akong tumayo at nagtungo na sa banyo para maligo.
ako hinihingal para kay mama eh. Napakabilis ba naman magsalita, akala mo talaga machine gun sya eh.
"Kai, bilisan mo papaliguan ko rin si Keianna at may pasok din sya." Narinig ko ang boses ni Ate Rys habang kumakatok sya sa pinto ng Banyo.
Putek na yan, Kasalanan ko 'to e ang tagal ko kasi kumilosಠ_ಠ
Binilisan ko nang kumilos para makaligo rin ang pamangkin ko. Pagkatapos kong kumilos ay agad akong nagtungo sa labas ng bahay kung nasaan si mommy na naghihintay, halatang galit pa rin sya sa'kin kasi matagal ako kumilos hehe.
"Baka pati sa paglalakad papunta dito sa kotse eh abutin ka pa ng siyam siyam ha." pa-sarcastic na sabi ni mama. Sumakay na kaming dalawa at sinimulan na niyang paandarin ang makina ng sasakyan
"Wait ma, paano sila ate? eh diba ihahatid nya pa sa school si Keia?" Tanong ko kay mama
"Mamaya pa yung pasok ni Keia"
"Eh bakit nagmamadali si ate kanina nung naliligo ako?"
"May dadaanan pa daw kasi sila eh."
Habang nagmamaneho si mama ay kinausap nya ako.
"Umuwi ka agad pagkatapos ng klase ha. Baka hindi kita masundo mamaya, Marami pa naman kaming client ngayong araw at marami ring kailangan i-deliver." paalala sa'kin ni mama.
BINABASA MO ANG
Beyond The Smile | Twilight2wix
Teen Fiction[FEATURES TEEN FICTION & ROMCOM] "Behind quiet resilience lies a storm of unspoken battles and a heart that refuses to give up, no matter how much it's been scarred." Si Kai ay isang batang puno ng sugat mula sa pag-abuso, pambubully, at mababang pa...