Rush Hour
Juztin's POV.
Nag-aalangan pa talaga ako nung una na iwan si Hikari sa pwesto namin kanina habang naghihintay kay Kai. Kahit naiinis na si Ephraim, hindi ko maiwasang mag-isip kung okay lang ba talaga siyang maiwan mag-isa. Baka naman sinundo si Kai ng mommy niya, kaya hindi namin siya nakita. Sa bagay, naulan din kasi, kaya baka nagmadali na siya umuwi.
Pagdating namin ni Ephraim sa Café Trio, agad kong napansin ang dami ng tao. Rush hour na nga kasi, kaya hindi na rin nakapagtatakang sobrang busy nila Tita Celes, Ate Rys, at Manang Dolores. Halos lahat ay may ginagawa, at kita sa kanila ang pagod pero tuloy pa rin sa pag-aasikaso ng mga customer.
Sa gilid naman, nakita ko si Keia. Mukhang kagagaling lang ng school dahil naka-uniform pa siya. Mabuti na lang at mukhang behaved siya ngayon—hindi nagliligalig gaya ng dati. Sa dami ng tao, hindi ko na rin alam kung kakayanin pa namin kung magsimula siyang magloko.
Dali-dali akong tumulong kay Ate Rys sa cashier. Halos sumisikip na ang pila, kaya kailangan nang mas mapabilis ang kilos para hindi magalit ang mga customer. Tumakbo agad ako sa likod ng counter, naglagay ng apron, at sinimulang kunin ang mga bayad at orders.
Bago ko pa man masimulan ang trabaho, nilapitan ko si Ephraim. "Bantayan mo muna si Keia, ha," sabi ko sa kanya. "Maraming tao, baka malingat tayo tapos bigla na lang mawala siya."
"Oo na, ako na bahala," sagot niya, sabay irap pero naglakad na rin papunta kay Keia. Kahit medyo nagrereklamo, alam kong hindi niya pababayaan ang anak ni ate Rys. Sa dami ng nangyayari, kailangan talaga naming magtulungan ngayon.
"Tin, buti nandyan ka na!" masiglang bati sa akin ni Ate Rys, pero halata sa mukha niya ang pagod at tension.
"Grabe, Ate, ang daming tao ah," sagot ko habang nagmamadaling isinuot ang apron. Kahit hindi niya sabihin, obvious na kailangang-kailangan na nila ng dagdag na tulong dito ngayon.
"Oo nga, sobrang dami. Parang sabay-sabay nagka-crave ng kape at dessert," sagot niya, sabay abot ng papel na puno ng orders. "Ikaw na sa cashier para mas mapabilis. Hindi na kami makahinga dito!"
Tumango na lang ako at agad na pumuwesto sa counter. Mukhang mahaba-haba ang gabi ko rito, pero ayos lang. Sa dami ng customer, hindi ko pwedeng iwan sina Ate Rys at Tita Celes na halos magkasabay na sa kitchen at serving area.
Pagkatapos kong mag-asikaso sa cashier, naisip kong tumulong pa sa ibang gawain. Lumapit ako sa mga table ng ibang customer para tanungin kung ano ang gusto nilang orderin. Habang abala ako sa pagsulat ng mga order sa notepad, napansin kong bumukas ang pinto ng kusina.
Si Kuya Adrienne ang lumabas, bitbit ang tray na puno ng mga order. Mukhang pagod na rin siya, pero tuloy pa rin sa trabaho. Napatingin siya sa akin at ngumiti. "Oh, Tin, dumagdag ka na rin sa gulo dito?" biro niya, pero halata ang pasasalamat sa boses niya.
"Oo na, Kuya. Kailangan yata ng superhero powers dito para kayanin," sagot ko, sabay pakita ng notepad ko na puno na ng mga order.
"Good luck dyan," sagot niya habang papunta sa isang table para i-serve ang mga pagkain. "Siguraduhin mong hindi ka mawalan ng energy, ha? Marami pa 'to."
Napangiti ako. Kahit ang bigat ng trabaho, nakakagaan din ng loob kapag may kasama kang handang tumulong at magpatawa kahit stressful na.
Pagkatapos ng mahigit dalawang oras ng walang humpay na kilos, sa wakas ay natapos na rin namin ang lahat ng gawain. Tahimik na ang kusina, at ang tanging naririnig na lang sa loob ng café ay ang mahihinang usapan at tawanan ng mga customer na kumakain. Lahat ng order ay na-serve na, at tila humupa na ang tensyon na kanina lang ay ramdam na ramdam.
BINABASA MO ANG
Beyond The Smile | Twilight2wix
Teen Fiction[FEATURES TEEN FICTION & ROMCOM] "Behind quiet resilience lies a storm of unspoken battles and a heart that refuses to give up, no matter how much it's been scarred." Si Kai ay isang batang puno ng sugat mula sa pag-abuso, pambubully, at mababang pa...