💋Chapter6

349 15 4
                                    

Jay Herrera POV






Hindi ko pinikit ang mata ko- scratch that! Hindi ako natulog, kada katok sa pintuan ng room ko ay napaparanoid ako baka tauhan iyon ni Alexivander! What if nalaman niya tapos pinakuha niya ako! Wala na! Tigok na ako!.

May kumatok sa pintuan ko at nagulat ako sa kama, mukhang nalunod na ako sa aking isip, sisid ako ng sisid ayan tuloy nalunod ako.


"Nandyan na siguro si Cream." Tumayo ako at hindi na nagabalang tumingin sa keyhole, binuksan ko ang pintuan at-. "Ah?." Tumingin ako sa lalaki na hihila na may pagkain. "Hindi po ako nagorder ng pagkain po." Sabi ko at kumunot ang lalaki. "Uhm? May tumawag po kasi sa room service ng pagkain at-." Tumingin ang lalaki sa room number ko. "Ito po ang sinabing room number po." Tumikim ako, baka si Cream nagorder.

"Sige po- uhm? Pwede po magtanong kung lalaki po ang tumawag po?." Napalunok ako sa kaba. "Lalaki po." I sighed in relief, mukhang si Cream nga nagorder. "Sige po, kuhanin ko na po." Sabi ko sa lalaki. "Tawag na lang po kayo kung tapos na po kayo." Huling sabi ng lalaki at sinarado ang pintuan ko.





Binuksan ko ang pagkain at naglaway agad ang bunganga ko, omghad! It's a premium steak at may desert at may juice. Mukhang nakaramdam ng konsenya si Cream sa akin umupo ako sa lamesa at ihanda ang pagkain para kain agad bago lumamig.






Napasarap yata ako sa pagkain, ninamnam ko pa pero parang hindi pa ako busog parang kulang pa sa akin. Tumunog ang phone ko at may unregistered number, sinagot ko ito baka si Cream ito.

"Hello? Sino to?." Naghintay ako kung sino ito pero hininga man lang wala akong marinig. "Hay naku!." Pinatay ko ang tawag pero may sumunod na isang unknown number, hindi ko alam kung sasagutin ko o hindi kaya sa huli hindi ko pinansin.

Mga ilang minuto, tumutunog padin ang phone ko. Sa inis ko ay kinuha ko ang phone ko at sinagot ko ang tawag.

"Bwakanang inang kang nilalang ka! Sino ka ba?!." Singhal ko. "Bitch! Kanina pa ako tawag ng tawag!." Narindi at nilayo ko ang phone ko ng narinig ko ang malakas na sigaw ni Cream. "T-tumawag kanina ah!." Maktol ko. "Anong tumawag kakatawag ko palang saying tapos ilang tawag na ako sayo!." Kumunot ang noo ko.

"H-hindi- ka ba tumawag ng mga alas otso?." Tanong ko at napakagat sa kuko ko. "Hindi, mga nine na ako tumawag sayo dahil alas siyete ay may pinagusapan kami ni Zers." Napakurap ako at dahan-dahan nalaglag ang panga ko.

It's not what i'm thinking right???

"So? Ikaw ba nagpatawag ng room service sa room?." Tanong ko at pilit magisip ng positive vibes. "Gaga ka! Wala ako kagabi dyan! Diba pinauna kita dahil may gagawin ako." My heart already sunk at tumingin ako sa pagkain na kay sarap at kay mahal pa naman kain. "H-hindi- ikaw? Talaga?." Tanong ko ulit at pilit iconfirm ulit.

"Hindi nga!- at nagsend ako ng email sayo nandun ang location and time ang meeting- they're going to meet with a drug dealer." Nanlaki ang mata ko, legit! Nalimutan ko na ang mga imagination kong walang ginawa kundi ipahamak ako at gawing paranoid sa kakaimagine at kakaisip ng Kung ano ano. "Larz will be happy if you give him some good photos, you better give us tomorrow 8 o'clock night at the mall." Huling sabi ni Cream bago pinatay ang tawag.


Tumayo ako at agad kinuha ang laptop ko, chineck ko ang emails ko at meron isang email na nagpop out. Kinilick ko at agad sumabog sa screen ang isang location map, malapit lang ito sa hotel mukhang magtataxi lang ako.

"Kailangan ko ng maghanda pati na din ang mental health ko baka di kayanin mamamayang gabi." Ang sabi dun sa email, 10 o'clock yung meeting ni Alexivander at sa isang drug dealer.  Akalain na anghel sa sobrang bait nito na pwede nang tumakbong senador o presidente, yun pala cover lang, kaya pala may don't judge by it's cover.

Lick me, Mr.CEO (Red Dragon Society#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon