CHAPTER 9

134 11 1
                                    


CHAPTER NINE

September 2, 2019, Singapore

Pagkatapos ng mahigit pitong oras na flight ay sa wakas nakarating na sila sa kanilang destination. First time niya dito sa Singapore kaya nang makarating siya sa lugar na minsan na niyang pinangarap na puntahan ay panay ang palinga-linga niya sa palibot. It's very clean and very progressive. They are now in the capital of Singapore, where the scenery is breathtakingly beautiful. Nakikita lang niya ito noon sa post ng mga Facebook friends niya na nagtatrabaho dito. Iba din pala kapag personal na nakikita ang isang lugar.

"It's your first time here?" Amused na tanong ni Joseph sa kanya, sakay sila ng isang rental car na kotse. Bahagyang tiningnan niya ang binata at agad na ibinalik ang atensyon sa labas ng windshield.

"Ahm, oo." She nodded. She was amazed by the tall buildings. Napapa-wow pa siya habang tinitingnan ang kataasan ng mga ito. Nakabook sila sa Shangrila Hotel dahil iyon ang utos nito sa kanya. Knowing him, lahat yata ng magagarang hotel ay may slot na VIP itong boss niya, automatic. Kaya hindi na siya nahihirapang magbook sa tuwing nababanggit niya ang buong pangalan nito.

"We are here."

Nagising ang diwa niya nang makarating sa hotel. Magkatabi lamang sila ng room nang magbook siya. Sila lamang dalawa sa byahe at hindi kasama ang driver nito. Pagdating sa hotel ay sinalubong sila ng staff upang buhatin ang kanilang mga dalang maleta. Ito na mismo ang nag-unload sa sasakyan. She had her keycards the same as her boss, Joseph.

"Madeline."

Tiningnan niya ito sa kanyang left side nang marinig niya ang kaswal na pagtawag nito, she was about to open the door of her suite. He looked at her for a few seconds bago ito muling nagsalita. Narinig pa niya ang pagbuntong-hininga nito.

"I checked the amount of the debit card I gave you, and you have not used it yet. Don't be afraid to purchase using that money; it's your allowance."

Napakurap siya. Allowance? Subrang laki ng laman ng cards. She has three cards na hinawakan—card para sa bills nito, another one is para sa mga personal purchases nito like booking a hotel, buying his clothes, and anything. And last is 'yong card for his purchase—kung ano daw ang nais niyang bilihin. But the truth is wala naman siyang nais bilihin gamit ang pera nito, at isa pa nagdedeposit naman ito ng allowance sa kanyang account aside sa kanyang salary na natatanggap. To think na masyadong galante ito, nahihiya din siya doon pa kumuha ng mga personal niyang kakailanganin dahil sumasahod naman siya ng maayos, higit pa nga ang nabibigay nito sa kanyang kontrata.

"Wala naman kasi akong nais bilhin for now." She replied. Ayaw din naman niyang madisappoint ito.

"You can use it to purchase your pasalubong for your sisters. Anyway, if you don't like the food here, you can order in different restaurants here in Singapore."

"Ahm, okay po." Tumango siya para huwag ng humaba pa. Naku-conscious siya sa titig nito na animo'y inaaral ang galaw at reaksyon niya. "Thank you po." Tipid siyang ngumiti at agad na itinoun ang atensyon sa pagbukas ng door gamit ang keycard.

"Good dawn, Madeline."

His voice sounds like music to her.

"Goodnight, boss." She smiled again at agad na iniwas ang mga mata. Pero narinig niya ang malamyos at mahinang pagtawa nito.

"It's already past four am." He said. She bites her lip, 'oo nga pala' bulong ng kanyang isipan.

"You can look me in the eye, Madeline."

"Hah?"

Tiningnan niya ito saglit. Nakita niya ang kakaibang kislap ng mga mata nito kasabay ang ngiti wari nagpipigil. Masyado ba siyang obvious na umiiwas sa eye-to-eye contact sa kanyang boss? Napakurap siya at wala sa sariling tumango. Nakita niyang napailing-iling ito at mahinang natawa sa reaksyon niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BOOK 1: The Gutsy MadelineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon