July 19, 2023
Ika dalawampu't siyam na araw,
ramdam na ang pag ayaw.
Nag-iinit mong mga salita,
bigla na lamang guminaw.Sa kumpol na mga tao,
tila di na kita matanaw.
Pinaaalalahanan na ng ulap,
kapag mabigat matuto nang bumitaw.Subalit datapwa't,
ikaw ay aking nauunawaan.
Sa isang ngiti mo lamang,
agad akong pinanghihinaan.Ngayon pa bang kausap ka na,
nais ko pa sanang malaman.
Buong kwento ng pagkatao,
Sa likod ng maganda mong ngalan-Yang 💚
YOU ARE READING
LUNAR
PoetryA Short Poem collection of love. It tells a story of my offered love to a person who I almost had to give up and I am allowing everyone to be and get inspired of these poem I wrote for my favorite person which I title Lunar as a sign that we are loo...