Ika pitumpu't siyam na araw,
paligid biglang nagunaw.
Ngunit hindi sapat,
higit pa sa yelong natutunaw.
Mundo kong tahimik,
ramdam na ang ginaw.
Isip na payapa,
dimensyon ng pumanaw.Hindi ko mapaliwanag,
wala nang nararamdaman.
Pagkamanhid sa sakit,
pati isip sobrang nasugatan.
Sigaw ng malakas, puso lang nakarinig,
Sa panaginip nalang, pakikinggan iyong tinig.
Hindi na babalik, sa dating gawi.
Magiging masaya, magpapanggap na madali.Hiling ko'y katahimikan ng isip mong pagod na.
Dasal ko palagi na magtagumpay ka.
Hindi na iibig, kung di rin lang ikaw.
Mananatiling tahimik sa masaya mong pagbitaw.
Nawa'y pakikinggan sa itaas,
huwag kang hayaan sa iba tumanaw.
Mananatili akong humahanga,
iibig sayo araw-araw.-Yang 💚
![](https://img.wattpad.com/cover/348632755-288-k128949.jpg)
YOU ARE READING
LUNAR
PoesiaA Short Poem collection of love. It tells a story of my offered love to a person who I almost had to give up and I am allowing everyone to be and get inspired of these poem I wrote for my favorite person which I title Lunar as a sign that we are loo...