Ako nga pala si Yna Chua 3rdyear higschool na ako,
Sikat ako sa campus namin dahil lagi akong nanalo sa mga pageant sa school.
Bestfriend ko na tong si Josh Ramirez since 1styr pa kame.
Nagkakilala kami sa mga parents namin dahil bussiness partner ng mommy ko ang mommy niya..
Magkaklase kami ni Josh, heartrob to. Minsan nga pag magkasama kami pinagkakaguluhan at tinitilian siya ng mga babae.. Nakakailang tuloy siya kasama..
...
(7:00AM Saturday)
1 message received
Best'josh
Goodmorning bestfriend kong panget! :)) Oh gumising kana.. Pag kagising mo, kumain ka ah. Tapos itext mo po ako..
Kakagising ko lang at nabasa ko ang text niya, wow di talaga nagbabago tong si bestfriend. Eh kung yayain ko kaya siya lumabas ngayon? Tutal sabado naman at walang pasok.
1 message received
Best'yna
Goodmorning din bestfriend kong mas panget :p, kakagising ko lang! Uy, free ka ba ngayong araw? Gusto ko sana lumabas wala akong gnagawa dito sa bahay eh.
...
1 message received
Best'josh
Opo, sige ba. Ako din eh, tamang tama namimiss na kitang panget ka eh :) Sunduin kita mamaya dyan sa inyo tatawag nalang ako sayo ah.
Naghahanda na ako para sa lakad namin ni Josh. "Hala sige paganda, syempre naman.. maraming tao ang makakasalubong ko eh.. Baka may pogi din akong makita don."
Sinundo niya na ako dala ang kotse niya.. "Ang susyal namen!" Harhar.
Nasa MOA na kame naglalakad:
Ang sarap mamasyal best noh? Sabi niya sa'kin..
Oo naman, lalo na pag kasama kita.. Nakakamiss kang pangit ka! Walang nangaasar sa'kin eh. :(
Uyy! Ang cute naman nitong kwintas tingnan mo oh! Sana may magbigay sa'kin ng ganyan
*Gusto mo ba niyan? Tanong niya saken
Oo naman best, ang ganda ganda kasi eh..^^
No comment siya.. ''Ay, nagtanong pa kung gusto ko hindi naman pala bibilhin. Ano bayan"
(Gusto niya pala yan, yan na lang ang surprise birthday gift ko sa kanya sa birthday niya next week..)
Hmmm.. Uy, tara kumain muna tayo nagugutom na ako eh..
Osige best.
Best pagkatapos natin kumain, pwde ka kumanta? :)))
Ha, ehh.. Di naman ako magaling kumanta eh.
Please? ^^'kaya mo yan, okay lang yan.. Para saken please :)
..
Osige na nga.. Kung di ka lang malakas sa akin ehh..
Kumanta siya sa stage sa madaming tao.. Wow ha! Ang tibay ni josh.
Tinitilian na naman siya ng mga babae grabe pati ba naman dito -_____-
I wanna make you smile whenever you're sad..
Carry you around when your arthritis is bad..
Oh all I wanna do is grow old with you..
"Kinanta niya yung Grow old with you, luh ano ba naman tong kinanta niya..
Pero maganda.. Ang ganda naman pla ng boses niya eh, naiinlove tuloy ako harhar.. Nakakaakit ng mga babae.
Pagtapos niya kumanta umupo kami nagkwentuhan.. Pagtapos nun inihatid niya na ako pauwi delikado na daw pag magisa ako umuwi eh, gabi na rin daw..
.
YNA POV
Ang saya saya ko kasi nakasama ko na naman tong pangit na to, miski isang araw ko lang siya nakasama..
Kuntetong kuntento na ako. Sino ba naman kasing babae ang di matutuwa kung may guy bestfriend ka na mapag alaga, maalalahanin, mabait, at sweet.
Ang swerte ko nga sa kanya eh! kasi sa dinami dami ng mga babaeng nagkakandarapa sa kanya iniisnob niya lang eh
ako super protective siya sakin ^____^