FEEL AT HOME

13.9K 15 0
                                    

Sinundo ko si Kenji, ang dati kong kasintahan. Pansamantala muna s'yang maniniraham sa condo ko dahil mas malapit ang school n'ya ro'n. Ipinagpaalam ko na rin s'ya sa mga magulang n'ya, pumayag naman ang mga 'to dahil ako naman ang kasama n'ya.

“Shan!” Maligayang sambit n'ya sa pangalan ko. Ngumiti naman ako at kinaway-kaway pa ang kamay ko.

Agad itong lumapit sa akin upang bigyan ako ng isang mahigpit na yakap. Niyakap ko naman s'ya pabalik. “Namiss kita,” mahina n'yang wika. Bukod sa dati kaming magkasintahan naging magkaibigan din kami at nagkaayos no'ng makamove on kami sa isa't isa. 'Baka s'ya nakamove on. Ako kasi hindi'.

“Namiss din kta,” sabi ko. Kinalas ko ang pagkakayakap n'ya sa bewang ko. “O, tara na,” nagmamadali kong turan.

“Sige,” tipid n'yang wika. Binuksan ko ang pinto ng kotse ko upang makasakay na s'ya. Napangisi naman 'to dahil sa ginawa ko. “Getledog.”

Inirapan ko naman s'ya at umikot na sa kabilang bahagi ng sasakyan kung nasaan ang driver seat. Dalian akong sumakay at nagsimula nang magmaneho.

[KENJI]

Agad naming inakyat ang mga dala kong gamit nang makarating kami sa condo n'ya. Nagpresinta pa 'tong tutulong sa pagliligpit ng gamit ko ngunit agad akong tumutol at sinabihan na lang s'yang magluto ng hapunan namin.

'Wala pa ring nagbabago sa condo n'ya'.

Kabisado ko ang bawat sulok ng condo n'ya dahil minsan na akong tumira rito. Dito sa katabing kwarto n'ya ang kwartong pansamantala kong tutuluyan.

Inayos ko ang mga damit ko sa cabinet na nandito at iniligpit sa itaas ng vanity table ang iba kong gamit, 'yong mga panligo ko ay maayos kong itinabi sa banyo. Nang matapos ako ay agad akong nagtungo sa banyo upang maligo.

Pagkatapos kong maligo ay agad akog pumunta sa kama at nagphone, nagsuot pa ako ng ear phone. Itinodo ko ang volume ng phone ko upang mas marinig ko ang music. Nagsi-scroll ako sa Facebook habang nakikinig ng tugtog.

Ilang minuto akong gano'n. Nagulat ako nang biglang may humila sa cellphone ko dahilan para matanggal ang pagkaka-kabit ng ear phone sa tenga ko. Tinignan ko kung sino ang kumuha—sumalubong sa mata ko ang nagpupuyos sa galit na muka ni Shan.

“S-Shan,” nauutal kong wika. Tinanggal n'ya ang ear phone na naka-kabit sa cellphone ko at mabilis binulsa ang telepono ko.

“Kanina pa kita tinatawag. Wala ka bang naririnig? Bingi ka ba?” Mahinahon ngunit bakas sa boses n'ya ang pagpipigil n'yang sigawan ako. Napayuko na lang ako at tahimik na pinaglaruan ang daliri ko. Ngayon ko lang s'ya ulit nakitang magalit—no'ng una ay 'yong naghiwalay kami.

“Akin na muna 'tong cellphone mo. Alam mo naman siguro na ayaw na ayaw kong hindi ako pinapakinggan hindi ba?” Napatango na lamang ako at matapang na sinalubong ang mata n'ya.

“S-Sorry,” nauutal kong sabi. Biglang lumambot ang ekspresyon ng muka n'ya ngunit agad 'yong napalitan ng walang buhay na tingin.

“Bukas mo na 'to makukuha sa'kin” malamig n'yang sabi bago tuluyang umalis ng kwarto.

Nakahinga naman ako nang maluwag nang isarado n'ya na ang pinto. Napabuntong hininga na lang ako bago humiga sa kama—sinampal ko ang sariling noo. 'Bakit ba kasi ako nagear phone, bwiset'.

[SHAN]

Hindi ako makatulog dahil sa konsensya. 'Dapat ba hindi ko na kinuha ang cellphone n'ya? Naiinip na siguro 'yon'.

Napasabunot ako sa sarili kong buhok nang magsimula nanamang gumulo ang mga tanong na 'yon sa utak ko. Tumayo ako sa pagkakahiga sa kama at daliang nagpunta sa kwartong inaakupa ni Kenji.

SMŪT COLLECTION Where stories live. Discover now