Napamulat ang mga mata ko nang tumunog ang maingay na tunog ng alarm ko. Agad ko 'yong inabot at pinatay. Nang matapos akong maghilamos at magayos ng kama, agad akong nagtungo sa kusina upang magluto. Habang nagluluto ako napatingin ako sa paligid at napabuntong hininga.
Nakakapanibago, wala na ang mga pamangkin kong maiingay. Gustuhin ko mang bumalik sa probinsya hindi ko naman magawa dahil mahirap ang buhay do'n—kailangan kong makapagtapos ng pagaaral para matulungan ko ang mga magulang ko. Sayang din ang scholarship na natanggap ko rito.
Nagluto na ako ng agahan at kumain pagkatapos ko linisin ang kusina, agad akong naligo.
Inihanda ko ang uniporme ko kasama ang mga panloob kong ibinigay ng aking nobyo. Napatitig ako sa mga 'yon at bigla bigla na lang nakaisip ng kapilyahan. Inabot ko ang puting bra't panty at agad iyong sinuot.
Kinuha ko ang teleponong niregalo n'ya sa akin. Umupo ako sa gilid ng kama kung saan katapat nang malaki kong salamin—kitang kita ang buong katawan ko ro'n.
Pumwesto ako nang nakabuka ang binti habang nakatukod ang kaliwang kamay sa kama upang ibalanse ang aking katawan at ang kanan ko namang kamay ay hawak hawak ang telepono.
Kinuhanan ko 'yon ng litrato at kumuha pa nang ibang letrato na iba't iba ng puwesto. Sinend ko sa kan'ya ang mga 'yon sa messenger—hindi na ako nagabalang tingnan ang reply n'ya.
Ibinaba ko na ang telepono ko upang makapagbihis. Nang matapos ko na ayusan ang sarili ko, agad kong dinala ang mga dapat kong dalin at dali daling nilisan ang condo ng kasintahan ko o ng lalaking nagpapaaral sa akin.
—
Ligtas akong nakarating sa eskwelahan at nang makarating sa room ay agad akong umupo sa pinakadulo at tahimik na nilabas ang aking libro upang magbasa. Hindi ko pinansin ang maingay na daldalan ng mga kaklase ko.
“Uy Kate! Tahimik natin ah. Anong binabasa mo?” Sabi ng kaklase kong lalaki na si Felix habang hinihimas ang balikat ko.
“It ends with us,” malamig kong sagot habang pilit na tinatanggal ang kamay n'ya na humihimas sa balikat ko—mahirap na baka makita kami ni Quatro, seloso pa naman 'yon.
Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang paglapit ng labi n'ya sa tenga ko, binulungan n'ya ako ro'n.
“Playing hard to get huh. Wag ka nang pakipot alam kong gusto mo rin ako,”bulong nya sa tenga ko. Agad ko naman itong tinulak ng malakas, sakto namang sumigaw ang kaklase namin.
“Hoy! Tumahimik na kayo nand'yan na si Sir,” sigaw n'ya. Binigyan ko ng matalim na tingin si Felix bago ako umayos ng upo—nakangisi lang 'to, may nalalaman pang pagkindat.
Ilang minuto lang ay agad nang dumating si Sir kaya itinabi ko na ang libro ko sa loob ng bag.
“Good morning class,” malamig na sabi ni Sir. Mahina pa akong napasinghap nang magtama ang mata namin—matalim itong tumingin sa akin ngunit may nakikita akong kislap ng pagnanasa sa mata n'ya.
Palihim akong napangisi bago painosenteng ibinalik ang tingin sakan'ya. Tumalikod na ito at nagsimulang magturo.
Nakapalumbaba ako habang nakatuon ang buong atensyon sa tinuturo ni Sir. Napalingon ako sa gilid kung saan nakaupo si Felix nang may kumalabit sa akin, wala namang nakatingin kaya pinagsawalang bahala ko na lamang. 'Baka si Felix lang 'yon pinagtitripan nanaman ako'.
Nakinig na lang ako at hindi na pinansin ang paulit ulit na kalabit sa balikat ko. Napasinghap ako nang maging kurot na ang kaninang kalabit sa balikat ko.
“ANO BA?” Sigaw ko. Biglang napalingon sa akin ang lahat ng tao sa room, kasama si Sir. Nahagip ng mga mata ko ang palihim na pagtawa ni Felix.
“Ms. Ramirez. Why are you shouting? Hindi mo ba nakikitang nagtuturo ako rito?” Mahinahon ngunit maawtoridad nitong sambit. Nahihiya naman akong napayuko. 'Ah! Lupa lamunin mo na'ko'.

YOU ARE READING
SMŪT COLLECTION
RomanceThis story may contain sensitive content, matured themes, and strong language that are not suitable for children or minor and sensitive readers. READ AT YOUR OWN RISK. You have been warned so don't blame me if something triggered you. PHOTO NOT MINE...