"Miss, may nagparada na coffee truck sa labas!!""Kanino raw po galing?"
"Hindi ko po alam. Pero may ibinigay na envelope. Heto po."
Nagpasalamat ako at tiningnan ang puting envelope
Binuksan ko ito at nakitang may sulat na mukhang kilala ko kung sino ang sumulat.
"Kyo, Congratulations on your successful film! Proud of you. I hope we can meet. " -Jin
Nangingig kong bitawan ang sulat at dali daling pumunta sa nagbigay na staff.
"Miss Kyo!"
Lumapit sila sa akin nang bigla akong matumba.
"Okay lang ako. P'wede bang isauli niyo ang cofferuck sa labas?"
"Ha? Saan po?"
"Paalisin mo! Hindi ko kailangan 'non!"
Nagulat sila nang sumigaw ako.
"Sorry. Paalisin niyo na sila."
Napaupo ako habang umiiyak.
"Sige po"
Akala niya ba madadaan niya ako sa ganoon?
Akala niya ba ayos na kami?
Hindi!
"What happened here?"
Narinig ko ang boses ng kaibigan ko.
"Kyo! What happened?" nagaalala niting tanong sa akin nang makalapit siya.
"Nagmakaawa akong 'wag niya akong iwan! Binaba ko ang dignidad ko para lang makasama siya! Inintindi ko lahat! Lahat! Inintindi ko siya...bakit ngayon... ang sakit! ang sakit sakit! Iniwan niya ako!"
Hindi siya nagsalita at niyakap lang ako. Pinaalis niya lahat ng staff at kaming dalawa lang ang natira.
"Ano ba ang kasalanan ko? Ayos na ako e. Nabubuhay na akong wala siya. Bakit kailangan niya pang magparamdam! Para ano? Para inggitin ako? Para sabihing magdusa ako?
"Shh. Wala lang kasalanan.."
"Hinintay ko siya... tapos pagdating niya, may asawa't anak na siya! Andaya! Andaya daya naman! Ni hindi niya nagawa 'yon sa akin! Ni hindi niya ako pinakinggan!"
"Ganon ba kasama ang nagawa ko para ganituhin niya ako?"
"Hindi... Kyo..."
"Pagod na ako, Zef. Pagod na pagod na akong magpanggap."
Niyakap niya lang ako ng mahigpit habang umiiyak.
"Andaya... andaya niya..."
Shk*sjk
:<
YOU ARE READING
Compilation of Short Stories
Short StoryA compilation of short stories, one-shots written by yours truly. Where I put my heart when I'm lost :))