!! Trigger Warning : Violence and Abuse!!
Cayenas' POV
Dilim
Ang dilim
Para akong nasa isang malaking silid na kahit isang katiting liwanag ay walang nakapasok.
Ayoko dito, para akong hinihigop ng lugar na ito. Para akong malalagutan ng hininga.
"Ama! ama! Pakiusap hindi ko na uulitin! pakiusap!"
Napalingon ako kung saan nanggaling ang boses na iyon.
Kung hindi ako nagkakamali, ang boses na iyon ay galing sa isang maliit na bata. Babae
Batang babae.Nakakasiguro akong malapit lang siya sa kinaruruonan ko.
" Ama! "
Dahan-dahan akong naglakad habang sinusubukang sundan ang kanyang tinig.
Papalapit ng papalapit ay lumalakas ang kaniyang boses at ang mga katagang kanina pa niya inuulit."Ama!"
Lakad lang ako ng lakad hanggang sa masilayan ko ang mga maliliit na liwanag. Napagtanto ko na isa pala itong saradong pinto at ang liwanag na iyon ay galing sa labas.
"Ama!"
Sa ibabang bahagi ng pinto, nakatayo ang isang batang babae. Ang kanyang buhok ay umabot sa kanyang bewang at ang kanyang damit naman ay puti na pantulog, abot hanggang sahig. Nakaharap siya sa pinto kaya likod lang niya ang nakikita ko.
"Hahayaan mo nalang ba silang ganyanin ka?"
Nabalik ako sa ulirat ng magbago ang kaniyang sinasabi. Hindi ko alam kung para sa sarili ba niya ang katangang iyon o para sa akin.
Napakunot ang noo ko ng hindi tumigil siya sa pagsasalita. Napatigin ako sa paligid. Parang biglang lumamig.
" Hahayaan mo na lang bang ganyanin ka Cayena?"
Muli ako napatingin sa batang babae dahil sa pagbigkas niya ng aking pangalan. Ngunit gulat akong napaatras ng paglingon ko dito ay nakaharap na ito at nakatingin sa akin.
Bumuga ako ng malakas na hangin. Ikinalma ko yung sarili at lakas na loob na lumingon sa batang babae.
Masyado na akong matanda para matakot.
"Sino ka?"
Biglang naghari ang kalungkutan sa kanyang mukha na siyang ipinagtataka ko.
"Ganyan naba talaga kahirap ang ginawa nila para makalimutan mo ako, Cayena? "
Kumunot ang aking noo. Anong sinasabi niya?
"Ganyan naba talaga kahirap ang ginawa nila sayo para makalimutan mo ang dating ikaw, Cayena!? "
Napatigil ako at napatingin sa kanyang kabuoan. Ngayon ko lang napansin ang pagkakahawig kami. Halos pareho kaming dalawa, pati sa damit na ngayon ko lang napansing magkapareho.
"Ako ay ikaw, Cayena"
Tiningnan ko nang maigi ang kanyang mga mata. Puno ito ng galit at pagkamuhi.
Litong lito ako. Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi niya. Anong gusto mong ipahiwatig.
"Trinato nila tayo na parang aso! Sobra yung pananakit nila sa atin na umabot sa puntong nawalan ka ng alaala...." halos maubusan siya nang hininga pagkatapos sambitin ang katagang iyon. Napatitig ako sa kanyang mga matang lumuluha " .....pati ako nakalimutan mo. "
A-ano? Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Alam ko kung paano ako nawala. Anong sinasabi niya? Malinaw pa yung alaala ko kung paano ako pinarusahan sa harap ng maraming tao sa kasalanang hindi ko ginawa.
"Hindi iyon ang ibig kung sabihin, Cayena!!"
Sigaw niya na para bang nabasa yung nasa isip ko.
"Alam kung nalilito ka kaya wala akong ibang paraan kundi ipakita na lang sa iyo" Mariin niyang sabi habang inilapat ang maliit niyang kamay sa palad ko.
Hindi ko alam pero napaluhod na lang ako ng biglang nag-init ang aking lalamunan at biglang sumakit nalang bigla ang aking utak na para bang pinipiga ito. Habol ko ang aking pahingina kasabay ng paghigop sa akin ng dilim.
- - - - -
Third Person's POV
"H-halimaw!"
"I-ina?"Hindi mawari ng batang si Cayena kung bakit ganon nalang ang reaksiyon ng kanyang ina pagdating sa kanya. Kitang kita niya sa mukha ng nito ang takot kaya labis siyang nagtaka.
"Wag kang lalapit sa akin!"
Nagsimula ng mangilid ang kaniyang luha. Nalilito siya kung bakit. Ang gusto lang naman niya ay mayakap ang kanyang ina katulad ng mga batang nakikita niya sa labas.
" I-isa kang halimaw! "
Napakabilis ng pangyayari. Nang akmang hahakbang siya papalapit ay siya namang pagdampot ng kanyang ina sa isang maliit na salamin at sabay pukpok sa ulo ng sarili niyang anak.
Ang huli niyang nasilayang ay ang mga kamay ng kanyang ina na puno ng kanyang dugo.
- - - - -
"Prinsesa? Nandito na ang inyong pagkain"
"Opo"
"Prinsesa, hindi niyo ba nagustuhan ang hinanda kong pagkain para sa inyo? "
Nakangiti man ngunit madilim ang mukha ng katulong na naghanda para sa kanya. May nakakatakot siyang ngiti na para bang kakatayin ka kapag mali ang isinagot mo.
"Hindi po"
Pilit siyang ngumiti. At saka hinarap ang pagkain.Kalahating tinapay at isang basong tubig
Ito ang palagi nilang inihahanda para sa kanya. Hindi siya pwedeng maglikramo dahil makakatanggap siya ng sampung latay ng latigo mula sa kanyang ama kapag ginawa niya iyon.Huminga siya ng malalim at saka inabot ang nangangamoy at bulok na tinapay. Ang tubig naman ay parang galing sa isang basang basahan at saka piniga sa kanyang baso.
"Ganyan nga, Prinsesa. Matoto kang makuntento"
- - - - -
"Anong sabi ko sa mga batang matitigas ang ulo, Prinsesa?"
"Pinaparusahan"
"Tama, bakit ka nakikipaglaro sa isang mababang uri ng tao?!"
"May tinanong lang ako sa kanya, hindi ako nakipaglaro!"
"Hmmm, ang utos ng iyong ama ay turuan ka. Alam na ko na ang pagdidisiplina ay isa na doon. LUHOD"
Pinaluhod siya ng kanyang guro at saka pinatungan ng mga libro ang kanyang ulo at mga kamay. Lahat ng tanong ng kanyang guro tungkol sa kanyang itinuro ay kailangan niyang masagot. Kada tanong ay may kasabay na isang hampas.
- - - - -
"I-ina!!"
"Isa kang halimaw"
"Ina!! "
"Isa kang halimaw!!"
"Dapat lang ay paslangin ka! "
Mahigpit siyang hinawakan sa leeg ng kanyang ina. Sobrang higpit na parang lahat ng galit ang ibinuntong sa kanya."I-ina"
May umawat sa kanyang ina at inagaw ang kamay nito. Habol hininga siya umatras ngunit dahil sa hilo ay hindi niya namalayan ang isang unan. Natapakan niya ito at saka natumba. Ang malala pa doon ay napalakas ang pagkaga bagok ng kaniyang ulo at nawalang ng malay.
________________________________________________________________________Author's Note
I'm not a perfect writer, you may encounter some typos, graphical errors, grammatical errors, wrong spellings or other errors. If your looking for a perfect story, don't continue reading this. Thank you!
BINABASA MO ANG
Song In Silence
FantasyShe was given a chance. She took it. She went back, and she is going to take what's meant to be hers. She's going to bring back the lost and burn the host. In the midst of the chaos. Is she the salvation or silent distraction? P. S. Cover photo was...