Chapter 3 Part 1 : BACK

31 2 0
                                    

Cayenas' POV

"Young Lady?"
Naimulat ko ang aking mata nang may yumugyug sa akin.Bumungad sa akin ang
puting kisame.

"Young Lady, narito na ang iyong agahan."

Binaliwala ko iyon at saka initaas ang aking mga kamay upang makita ito. Hindi na ako nagulat nang makita ko ang aking payat at maliit na braso.

"Tsk. Young lady, hindi mo ba narinig ang aking sinasabi? "

Napabuntong hininga ako at saka bumangon. Nilampasan ko siya at saka lumapit sa malaking salamin na sakop ang aking buong katawan. Napatitig ako sa aking katawan at napabuntong hininga. Napahawag ako sa aking ulo nang kumirot ito. Saka ko lang napansin na may benda pala ako.

"Young lady! Ano ba't napakatigas ng iyong ulo! "

Kumibot ang aking tinga sa narinig. Nagulat siya ng bahagya nang hinarap ko siya ng walang pag-aalinlangan. Mariin kong tinignan ang kanyang kabuoan, mula ulo hanggang paa. Walang emosyon kong sinalubong ang kanyang mga mata. Ang dating pangmamaliit na makikita sa kaniyang mukha ay napalitan ng pagtataka.

" Sabihin mo nga sa akin...." napakunot ang kanyang noo nang maging malamig din ang aking boses. "... kung ano ang posisyon mo sa lugar na ito?"

Napalunok naman siya at mukhang nag aalinlangan pa. Pero mukhang mas ayaw nitong magpatalo.

"A-ako ang inatasan ng iyong ina na asikasuhin ka! " Taas noo niya sagot sa akin.

"Ngayon tatanungin kita kung ano ako sa lugar na ito."

"I-ikaw ang anak ng Duke at Dukesa"

Napatango-tango naman ako habang tinitignan siya.

"Ibig sabihin ay isa kang katulong at ako ay anak ng may-ari ng lugar na ito?" sarkastikong tanong ko sa kanya kaya nakuha niya naman ang ipinupunto ko.

" Katulong at Anak " paguulit ko
"O-opo, Young Lady " nakayuko niyang saad.

Ganiyan nga, matoto kang lumugar.

Nilagpasan ko lamang siya at lumapit sa troli na may pagkain. Naramdaman ko naman siyang sumunod.

Third Person

Nagtataka ang katulong sa inasta ng kanyang alaga. Palagi naman itong sumusunod sa kanyang utos at kailanman ay hindi ito tumitingin sa kanyang mga mata pagkinakausap. Ito ang ikinaiinisan niya dito . Masyado itong mahina at masunurin na parang manika. Kahapon lang ay sinaktan ito ng sariling ina. Ngunit pagbangon nito ay parang na itong ibang tao.

Naaalala pa niya ang malamig nitong mga mata kanina noong ginising niya ito. Ngunit isinawalang bahala niya ito dahil baka namamalik mata lang siya. Ngunit ganon nalang ang kaba niya nang para siyang hangin na nilagpasan lang nito. Parang may kakaiba sa kanyang alaga ngayon. Parang hindi labin-isang taong gulang ang kanyang kaharap.

Napatingin siya dito. Pinagmasdan nito ng mga ilang minuto ang pagkain na nasa harapan. Maya-maya pa ay hinarap siya nito at napa tayo naman siya tuwid at inihanda ang sarili.

"Ano nga ulit ang iyong pangalan?"
Pinilit niyang huwag ipahalata sa kanyang mukha ang kanyang pagtataka.

"Ang aking pangalan ay Ida, prinsesa"

"Ida" Naging alerto naman siya nang sambitin nito ang kanyang pangalan. Ngayon lang siya nabigla sa pagtawag nito ng kanyang pangalan. Palagi naman nitong tinatawag ang pangalan niya dati pero wala namang epikto ito sa kanya. Pero ngayon halos mapalunok siya nang sambitin nito ang kanyang pangalan gamit malamig nitong na boses.

"Gusto kong malaman kung bakit iba yata ang iyong inihandang pagkain."

Napayuko naman siya. Mukhang nagtataka ito sa natatanggap nitong pagkain. Minsan kase ang ipinapahanda ng dukesa ay ang mga tiratirang tinapay o yung nabubulok na. Mukhang nagtataka ito dahil mga prutas at gulay ang natatanggap nito.

" Utos po kasi ng inyong ama na ipaghanda kayo ng masustansiyang pagkain para gumaling kayo agad" Nakayuko niyang saad.

"Kung ganoon ay makakaalis kana"
Saad nito sa kanya

"Po? Pero, ang utos ng inyong ama ay alalayan ko kayo." magalang niyang saad.

" Ida, ulo ko ang may sugat hindi kamay. Umalis ka muna, gusto kong mapagisa."
Malumanay na saad nito sa kanya.
Wala siyang ibang magawa kundi sundin ito. Nagdadasal siya na sana bukas ay magaling na ito.

To be continued
___________________________________

Author's Note

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Song In Silence Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon