Chapter 3 Part 2 : BACK

28 1 0
                                    


Cayena's POV

Nakatingin ako sa salamin habang sinusuklayan ang aking buhok. Pinagmasdan ko ang aking mukhang maamo. Napabuntong hininga ako at tumayo. Kinuha ko ang maliit na bell sa tabi ng aking kama at inalog iyon. Nang inilapag ko iyon ay agad namang akong nakarinig ng katok sa pinto.

"Come in"

Iniluwa ng pinto si Ida. May pag-aalinlangan pa siyang lumapit sa akin.

"Ano po iyon, Young Lady?" tanong nito sa akin. Napaismid ako ng naging malambot ang kaniyang tono ng pananalita.

"Prepare a simple dress for me" saad ko at agad naman siyang pumunta sa napakalaking kabinet. Agad siyang pumwesto sa harap ko bitbit ang tatlong dress na magkakaiba ang kulay at disenyo.

"I like that one" sabay turo ko sa kulay puting bistida.

______

Nakaharap ako sa salamin habang pinagmamasdan si Ida'ng inaayos ang aking buhok.

"Ida, gusto kong lumabas" saad ko at agad naman siyang napatingin sa akin. Bago pa siya magsalita ay inunahan ko na siya.

"Alone"

Napamaang naman siya sa sinabi ko. Mukhang hindi niya inasahan ang isang labin isang taong gulang na katulad ko ang maglalakas loob na lumabas mag isa.

"Pero Young lady, hindi po pwede dahil baka mapahamak kayo" nag-aalinlangan niyang saad.

Tinitigan ko siya ng maigi na siyang ikinabahala niya.

"Pupunta lang ako sa hardin upang magpahangin. Tatawagin lamang kita pag may kailangan ako." saad ko at agad naman siyang napayuko

"Maaari kanang umalis" yumuko muna siya sa akin at saka umalis.

Tumayo ako at inilibot ang paningin sa buong silid. Lumapit ako sa isang aparador nakong saan nakalagay ang mga iba't ibang kuwentas at mga ipit sa buhok. Napangisi ako nang masilayang ang matalas na ipit ng buhok. Agad ko itong kinuha at nilagay sa aking bulsa bago pa tuluyang lumabas sa silid upang tumungo sa hardin.

____________________________________

"What are you doing here?"

Napahinto ako sa paglalakad at napalingon sa paligid upang hanapin ang nagsalita.

"I said what are you doing here? You should be in your room"

Napunta ang paningin ko sa batang mukhang kakalabas lang sa pinto ng isang silid. Mukhang nagulat pa siya nang tingnan ko siya mula ulo hanggang paa. Napaharap ako sa kaniya at napatitig sa kaniyang mukha.

Ang mataray niyang tingin na parang palaging nanghuhusga. Ang kaniyang matang kasing kulay ng karagatan at kailan man ay hindi ko iyon malilimutan.

Leona Florancia Fovelya, ang ikalawang anak na babae ng 'Duke at Dukesa'.

Ang aking nakababatang kapatid.

She's was the only one who stood beside me.

"Yena, what's wrong with you? Nabingi kana ba o ano?" naiirita niyang saad.

Ngayon ko palang naalala na bata palang ay hindi na kami magkasundo. Magkaribal kami sa lahat ng bagay pero pag dating sa mga seryosong sitwasyon ay doon lamang kami nagkakasundo. Lalo na nang malaman niya kung ano ang trato sa akin ng mga tao.

"Hey! Are you even listening to me!?"

Nabalik ako sa ulirat nang suminghal siya sa inis. Nagsimula ng mamula ang kaniya pisngi marahil ay kanina pa siya naghihintay ng sagot sa akin.

"I was just about to take a walk." saad ko at saka hinarap siya.

"Kids should not be wandering around" dagdag ko pa na siyang ikinataas ng kilay niya. Nagtaka namn ako dahil sa reaksyon niya.

"Excuse me?! Isang taon lang ang agwat natin. You're a kid also!" inis niyang saad.

Oo nga pala

"Well whatever, bahala ka sa buhay mo. I warned you" she flipped her hair and then walked away.

Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa inasta niya. Ipinilig ko ang aking ulo at saka tumungo na sa hardin.

Pagkarating ko roon ay agad akong napapikit sa simoy ng hangin. Mga naggagandahang bulaklak at puno ang makikita mo rito. Naglakad lakad ako hanggang sa napunta ako sa pinaka sulok na bahagi ng hardin.

Umagaw sa aking pansin ang isang pulang rosas. Agad ko naman itong nilapitan.

Marahan ko ito hinawakan at inamoy. Napakapula nito at napakabango. Kahit ganoon ay napakalma nito ang sistema ko.

Nabalik ako sa ulirat nang makaramdam ako ng dalawang presensiya sa aking likuran. Nanatili akong nakatalikod sa kanila habang pinagmamasdan ang rosas na nasa aking palad.

"Who are you?"
____________________________________

Author's Note

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination.

:I'm really sorry for the wrong grammars and typos. I'm just a begginer with it comes to writing stories. Thank you, Lovelots!
_

___________________________________


Credits to Pinterest
....


LEONA FLORANCIA FOVELYA

LEONA FLORANCIA FOVELYA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Song In Silence Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon