01

1 1 0
                                    

Dear Diary

February 21

Hi! My baby diary! Nagbabalik ako! Nga pala, karaniwan naman na ito kaya alam ko na okay lang na pakinggan mo ang problema ko. Birthday ko kasi ngayon diary kaya lang mukhang hindi naaalala ng mga magulang ko pati nila Kuya kasi nung tinanong ko sila wala naman daw espesyal sa araw na ito. Pero para sa akin espesyal to! Bumili ako ng cake diary! Ang mahal nga eh! 80 pesos yung isang slice! Naubos tuloy yung budget kong pang isang linggo! Di bale! Birthday ko naman kaya naman okay lang kahit maubos pera ko, maiipon ko pa naman yon eh, 30 days pa ulit bago ako makaipon ng malaki. Alam mo naman na umeextra lang ako sa jeep diba? Matumal ang kita. Di bale na, mahalaga nakakakain ako ng tatlong beses sa isang araw. Yon lang naman diary, sana balang araw merong bumati sa akin kapag birthday ko. Ang kyut mong alaga si Samantha XD

___________

"SAMANTHA!"

Napabalikwas ako ng bangon ng tawagin ako ni Mama. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko saka sumalubong sa akin ang maryang palad ng nanay ko.

"Ano?! Nakatunganga ka lang?! Di ka magta-trabaho?! Aba naman! Pinapakain ka ha! Huwag kang magpabigat!" Galit niyang sigaw.

Napakurap kurap ako saka dahan dahan na napatingin kay Mama saka marahan na tumango.

"S-Sige po. Mag.. Magbibihis lang po ako Ma-" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ng ibalibag niya ang pinto ng kwarto ko.

Napabuntong hininga ako saka naghanap ng desenteng damit. Isang pantalon saka polo shirt na itim ang sinuot ko, tsaka pinaresan yon ng tsinelas na pudpud na at pilit lang inayos at pinagtyagaan.

Sa totoo lang dapat mamaya pa ako papasok kaya lang yung nanay ko mukhang nangangailangan ng pera. Napabuntong hininga nalang ako saka lumabas habang nasa likod ang walet ko na bigay pa sa akin ng tyahin ko. Twenty pesos lang naman ang laman pero kailangan ko ng makakain kapag nag-ta-trabaho.

Pagdating sa sala merong mga pagkain na nakahanda sa lamesa. Huh? Anong meron?

"Anong meron, Kuya?" Tanong ko sa kapatid ko ng dumaan ito sa harap ko.

Tumingin sa akin ang itim niyang mata mula ulo hanggang paa. Tapos napabuntong hininga na parang gustong umalis pero sinagot naman ang tanong ko.

"Pumasa kasi si Sarah sa board exam, mag-ce-celebrate." Tukoy niya sa kakambal niya. Nagpamulsa ito saka akmang aalis ng magsalita ulit ako.

"Pwede bang kumain muna ako kuya? Bago umalis?" Tanong ko sa kanya.

Malamig ako nitong tiningnan.

"Hindi. Umalis ka na. Narinig ko kayo ni Mama. Magtrabaho ka nalang kaya?" Sarkastiko nitong sambit saka tuluyang pumunta ng kusina.

Tiningnan ko lang ang kapatid ko saka ang pagkain na nasa mesa saka napalunok. Buong buhay ko hindi pa ako nakakatikim ng hita ng manok na kulay brown. Tapos yung mahahaba na kulay pula na may hotdog, pati mahahaba na sinasawsaw sa ketchup at yung malaking baboy na kulay brown na parang inihaw.

Hiwalay kasi pagkain ko, hindi nila ako sinasabay sa kanila kapag kakain, at kabaligtaran ng ulam ko ang ulam nila. Hindi rin nila ako hinahayaan na kumain non dahil bawal daw.

Tuluyan na akong umalis ng makita si Papa na masamang nakatingin sa akin.

Naabutan ko si Ate Sarah sa labas ng bahay at kausap ang mga kaibigan niya. Mabilis akong lumabas ng makita na magaganda ang mga kasama niya tapos may kulay pa yung mukha.

Nang makalabas ay dumeretso kaagad ako sa isang karenderya na alam ko para mag-trabaho. Hindi naman kasi ako pinag-aral ni Mama at Papa gaya kung paano nag-aral sila Kuya Saige at Ate Sarah. Pero nag-aral ako, kaya lang hanggang highschool lang. Pinatigil na ako ni Mama dahil wala naman daw akong mapapala. Ang tumulong sa akin makapag-aral yung barangay captain namin, nagbigay siya ng scholarship at isa ako sa mga nabigyan niya.

Billionaire Series 1: Ice Frost HyacinthWhere stories live. Discover now