07

1 1 0
                                    

“ANG HABA PO NG BUHOK NIYO MA'AM!”

Masayang wika ng bakla habang sinusuklay ang mahaba kong buhok. Ako naman ay pinapanood sa salamin na nasa harapan ang ginagawa niya habang nakangiti.

Nang matapos niyang suklayin ang buhok ko ay nagtanong na ito.

“Hanggang saan po ang babawasan ko?” Tanong nito.

“In her elbow.” Si Frost ang sumagot.

Nakaupo ito sa katabi kong upuan at pinapanood ng maigi ang gagawin ng bakla sa buhok ko.

“Sige po!” Sambit ng bakla saka inumpisahan ng gupitan ang buhok ko.

At syempre alam kong magtatagal siya kaya naman hiniram ko kay Frost ang cellphone ko, binigay naman niya iyon sa akin kaya naman nagsimula na akong maglaro ng candy crush.

Naka-pitong laro ako nang marinig ang boses ng bakla na tapos na niyang putulan ang buhok ko.

Binalik ko kay Frost yung cellphone saka marahan na tumayo. Malawak akong napangiti ng makita na bawas na ang buhok ko.

“Ang kapal ng buhok niyo, Ma'am. Medyo matagal din bago natapos.” Sambit ng bakla habang hawak ang halos kalahati ng buhok ko.

Kalahati ang nabawas.

Kahit may kalakihan ang kamay niya ay dalawang kamay pa rin ang ginamit niya para lang mahawakan ng maayos ang buhok ko na iyon.

Ngumiti ako sa kanya. “Pwede mo yang i-donate sa mga batang may cancer at kailangan ng buhok. Huwag ka mag-alala malinis yan! Wala yang kuto, lisa, at dry hair.” Wika ko.

Tumawa ito saka napapailing. “Alam ko naman iyon, Ma'am.. Pero, yun nga ang plano namin, i-do-donate namin to sa mga cancer survivors. Gagawin muna naming wig.” Ngumiti ako ng malawak.

Nang matapos mag-usap ay lumabas na kami sa pagupitan ng buhok. Hindi na niya kami pinagbayad dahil maganda naman daw ang buhok ko tapos makapal pa, kaya lang si Frost ay nagbayad pa rin, bilang pasasalamat daw at walang ginawang hindi maganda sa buhok ko.

Nang makasakay sa kotse ay patingin tingin ito sa akin.

“Bakit?” Lumingon na ako dito saka nagtanong.

“Nothing.. Medyo naninibago lang ako sa buhok mo.. I used to see your long hair, pero mas maganda kung maputulan na dahil nahihirapan ka humanap ng magandang spot para matulog.” Napataas ang kilay ko.

Hindi yon totoo. May dahilan siya kung bakit niya pinaputulan ang buhok ko at hindi iyon ang nakikita kong dahilan non.. Alam kong meron pa.. Pero.. Sasabihin din naman niya iyon kaya mag-aantay nalang ako.

Pero, sa kabilang banda.. Tama naman siya.. Nahihirapan akong makatulog dahil nakikiliti ako sa mahaba kong buhok, kailangan ko pang itali ang buhok ko para lang hindi na ako mahirapan kapag gagalaw para sa bagong pwesto, pero hindi ko naman alam na mapapansin niya iyon.

“Katabi mo akong matulog baby, nararamdaman kita.. Ang likot likot mo.” Natatawa nitong sambit ng makita na bahagya akong ngumiwi.

“Kasalanan mo.. Ayaw mo kasing paputulan, buti nga naisipan mo na ngayon.” Inis na sambit ko.

“Ofcourse.. Your hair is one of your charm. Pero syempre, hindi ko naman kayang makita na naaabala na ng buhok mo ang pag-tulog mo kaya naman pinaputulan na natin.” Sabi nito.

“Tsh.. Tuwang tuwa ka sa mahaba kong buhok samantalang ako nahihirapan kasi ang hirap na nga shampoo-hin, ang hirap pa suklayin.” Reklamo ko. “..Plus pa yung ang bigat ng buhok ko.” Dagdag ko pa.

Ito naman ay tumatawa habang nagmamaneho.

Hindi ko nalang siya kinausap ng huminahon ito dahil baka madisgrasya kami. Pero imbis na Memorial Park ay isang malawak na bukirin ang hinintuan ng sasakyan.

Billionaire Series 1: Ice Frost HyacinthWhere stories live. Discover now