03

1 1 0
                                    

“BABY ARE YOU SURE YOU'RE OKAY?”

Nag-aalalang tanong ni Ice ng makasakay kami sa kotse matapos mamili. Natahimik kasi ako at tuwing magtatanong siya ay tango at iling lang ang sinasagot ko.

Tumango ako sa tanong niya at hinayaan siyang ikabit ang seatbelt ko.

“You sure?” Tumango ako.

“Saan mo gustong managhalian?”

Nabaling sa kanya ang tingin ko ng marinig ang sinabi niya. Pagkain. Ngumiti ako agad at iwinaksi sa isip ko na mayaman tong taong kasama ko.

“Sa karenderya sana kung okay lang sayo.” Sambit ko.

Tumango naman ito saka pinaandar ang sasakyan.

“May alam akong karenderya.” Sambit nito.

“Hmm? Talaga? Kumakain ka rin sa karenderya?” Tanong ko.

“Ofcourse.. Baby, hindi ako kagaya ng mga mayayaman na naiisip mo no, mas hilig ko ang lutong bahay at luto sa kalye kesa sa restaurant.” Sabi nito. “Pero kapag meron akong meeting I would say na madalas ako sa restaurant.” Dagdag nito.

Tumango ako saka dumaldal na naman, tahimik naman itong nagmamaneho at nakikinig sa akin. Hanggang sa makarating kami sa karenderya na sinasabi niya.

“Wow..” Sabi ko ng makalabas ng kotse.

Pumasok kami sa loob at napangiti ng makita na nandoon ang favourite kong ulam. Chicken curry!

“Oy! Boss Ice! Napadalaw ka ulit!” Tapos bumaling sa akin yung babae, at napangiti. “Girlfriend mo sir?” Tanong nito.

Ngumiti ako sa babae. Napaka-lawak ng naiisip niya.

“Isang order ng chicken curry! Tapos kanin.” Sabi ko.

“Sige, Ma'am!” Sabi nito saka sumaludo pa at bumaling kay Frost “Kayo boss?” Tanong nito kay Frost.

“Same order, tapos tubig.” Tumango ang babae saka umalis. Sinabi nito na humanap nalang daw kami ng mauupuan.

Nang makaupo kami ay tiningnan ko ang suot kong white na dress sleeve less tapos bumagay sa akin dahil kakulay ko yung damit. Sa paa naman ay simpleng white na sandals. Pinasuot sa akin yun ni Frost kanina habang namimili ito ng mga dress para sa akin. Tapos pumunta kami sa paayusan ng buhok, sabi pa nga niya sa bakla doon na tanggalin yung kulay ng buhok ko kaya natawa ako ng malakas. Doon ko sinabi sa kanya na natural ang brown kong buhok. Pinakumpirma ko pa para maniwala siya. Hindi ito nakapagsalita non kaya natawa nalang ako, ang ending pinaayos niya nalang yung buhok ko at tinali pa ng pa-pony kaya naman kita ang side bangs ko. Nahirapan pa nga sila itali ang buhok ko dahil bukod sa mahaba e’ makapal pa, plus straight, kaya nagtagal kami ng konti sa parlor. Tapos inaasar ko pa siya ng makalabas kami doon kaya naman ginamit na naman niya sa akin ang alas niya na mayaman siya kaya naman tahimik na ako non.

Sinasampal na kasi ako ng kahirapan.

“Don't you like the dress?”

Napalingon ako sa kanya ng magtanong siya. Ngumiti naman ako saka binalik ang tingin sa dress.

“First time kong magsuot ng ganitong dress.” Sabi ko.

Doon nawala ang pangamba niya at napalitan ng awa. Hindi ko na siya tiningnan saka binaling ang paningin sa babae kanina. Naglapag ito ng tray na may lamang order ko at order niya. Habang kumakain eh nagsimula na siya magtanong, at pagtapos magtanong ay sasagutin ko na parang S.A, habang siya ay kumakain habang nakikinig sa akin.

“Baby.. Tama na kumain ka na.” Sabi nito. Tapos na siya kumain, ako naman ay wala pa sa kalahati dahil sa kakadaldal.

“Kasalanan mo, dinadaldal mo kasi ako.” Sabi ko.

Billionaire Series 1: Ice Frost HyacinthWhere stories live. Discover now