Chapter 4

5 1 0
                                    

Chapter 4

“Bilisan mo! Dito tayo, Eyah.”

Naupo kami sa pinaka unahan. Matagal niya na palang nabili ang ticket dahil naka reserve na pala talaga iyong ticket niya sa unahan. Malapit kami sa mga player ng Greek Blue Titans. At mukhang prepare na prepare niya nga talaga manood dito.

Nag palinga-linga ako dahil nababaguhan ako. Hindi naman ito ang una kong punta rito sa arena. Pero iba pala kapag ikaw na iyong manonood. Sa tanang buhay ko kasi ito ang kauna-unahan kong manood ng laro, dahil mostly hindi ako pumupunta sa mismong gaganapan ng laro. I'm just contented watching their play on my Tv.

“Grabe! Nakaka excite sana manalo sila, noh?” Niyakap nito ang isang braso ko habang nakatingin sa malaking court na nasa harapan namin.

Rumarami na rin ang mga tao at unti-unti ng na babakantehan ang mga upuan. Mukha ngang maraming gustong manood ng personal sa laro nila. I wonder who the captain, Denisse is referring to.

Pina gala ko ang mga mata ko sa kabuuan ng arena. Napakalaki pala, kahit rito kami nag lalaro hindi ko naman masiyadong napapansin dahil palagi akong focus doon. Nakakatakot rin maupo rito, feeling ko tatamaan kami ng bola mamaya-maya lang.

Nagulantang ako ng biglang tumili ang katabi ko. “Eyah, andiyan na sila!” yugyog niya sa akin. Para akong nasusuka sa klase ng pang yuyogyog niya. Feeling ko humihiwalay ang kaluluwa ko sa akin.

“Denisse, stop!” I hissed. Tumigil rin naman siya kinalaunan. Iritado akong tiningnan ang tinitignan niya 'mula kanina.

As usual ang men's volleyball iyon ng La Salle. Hindi ko rin alam kong sino ang tinitilian nitong nasa tabi ko, dahil pare-pareha naman ang mga player na may ipagmamalaki ngunit wala namang epekto iyon sa akin.

Ilang sandali pa ay na agaw ng pansin ko ang huling lumabas na player. Hindi ko ito mamukhaan, ngunit sa tindig ng katawan nito para siyang pamilyar. Naka mask ito ng itim at naka Jersey na kulay Blue. Sa likod no'n ang number nitong number 5 at ang surname nitong Vincenzo. Napaka tangkad rin nito at sa tingin ko na sa flat 6 ang height niya, pero hindi ako sigurado. Ang moreno nitong balat ay bumagay rito.

“We've same number, huh.” ani ko sa sarili ng ma realize na same kami ng number ng Jersey.

I shrugged siguro nag kataon lang.

Nag tititili na naman ang katabi ko. Ngayon naman ay pinaharap na ako nito sa kaniya at hinawakan ang dalawa kong balikat at niyugyog habang nakatingin pa rin sa team na iyon.

“Denisse!” I call her.

Unti na lang kakalad-karin ko na ito palabas. Hindi ko alam na ganito pala kong kiligin ang isang 'to.

“Ayon! Eyah, siya 'yon!”

I hit her arms. “Anong, ayon?! Pwede ba nahihilo ako!” sigaw ko. Tumigil rin naman siya dahil sa sinabi ko. Ngingiti siyang nakatingin sa 'kin. Ibang Denisse ata ang kaharap ko ngayon.

“Ayon.” turo niya. I followed what she pointed. Naka turo iyon sa lalaking kanina ko lang tinignan. Bored ko siyang binalikan ng tingin at tinaasan ng kilay.

“Then?”

“Anong, then?” pang gagaya niya sa boses ko. “'Di ba ang gwapo?”

“So, ano naman ngayon kong gwapo?” Bored ko siyang tinignan at umayos ng upo para makita kong ano na ang nangyayari.

“Ang Kj mo talaga kahit kailan.” paghihimutok niya.

I didn't bother to look at her. Pinanood ko na lang ang mga ginagawa nila. Nag stre-streching palang naman ang mga mag lalaro.

The Wife Of Forgotten Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon