" Good morning, ma. " rinig kong bati sakin ni Zacha sakin sa kabilang linya. Routine na namin to, lagi siyang tatawag paggising niya. Bisperas na pala ng Pasko at nandito kami sa Manila.
" Good morning din, pa. " nangingiti kong sagot sakanya. Nagpagulong gulong ako sa kama para naman mailabas ko naman yung kilig na nararamdaman ko.
" Kumain ka na ba? "
" Hindi pa eh. Ayaw ko pang bumangon, tinatamad pa ako. Ikaw ba? "
" Mamaya na lang din. Tinatamad na din ako. "
" Gaya gaya ka, pa! " Di ko mapigilan yung tawa ko. Ang kulit niya kasi.
" Hindi naman, ma. Ganito na lang, kain na tayo. Wag mo ibababa yung phone ah? "
" Opo boss. "
" Hindi ako ang boss dito. Ikaw ang boss ko. Sige na bangon na. "
Bumangon na ako. Dumiretso ako sa banyo, naghilamos at nagmumog. Naririnig ko naman na parehas kami ng ginagawa. Nakaheadset ako, kaya pati yung tunog ng tsinelas pag naglalakad siya ay naririnig ko.
Naglakad na din ako papuntang kusina, nagtimpla ng gatas. Tinignan ko yung nakatakip, buti na lang may pagkain. Champorado para sa almusal.
" Hello, ma? May kakainin ka na ba? " tanong niya. Naririnig ko naman na parang may bumukas na stove. Magluluto pa lang siguro siya.
" Yes, pa. May champorado dito, tapos nagtimpla ako gatas. Ikaw? "
" Nagluluto ng pancit canton. Walang pagkain eh. Di nagluto si Karl. " Si Karl yung kapatid niya. Close na kami. Nakakatuwa kasi gusto niyang tinatawag ko siyang bayaw.
" Nasan na ba si bayaw? "
" Naks, kinacareer ang pagtawag ng bayaw ah. *chuckles* "
" E-eh yun kasi ang sabi niyang itawag ko sakanya. " Kinacareer ko nga ba? Nakakahiya. ~\\\~
" Wag ka mautal. Ikaw talaga. Naiimagine kong namumula ka na naman kasi nahihiya ka. "
" H-hindi kaya! "
" I know you. Don't lie. Tsaka wag kang mahiya. Masaya nga ako at close kayo ng kapatid ko. " Hindi naman ako ang first girlfriend niya eh. Alam ko yun. Pero sabi nga ni Zacha, ni isa sakanila, walang nakaclose si Carl. We share the same interest. Nagdodota kami pareho. Si Zacha, sa Special Force yan adik. Nako, kung alam niyo lang.
" Sabi ko nga eh. "
" Gusto ko katabi kita matulog. "
" Bakit naman? "
" Gusto ko kasi mukha mo ang unang unang makikita ko pagmulat pa lang ng mga mata ko. Para kumpleto na agad ang araw ko. At gusto ko din bago ako matulog, mukha mo ang makikita ko, para maski sa panaginip ko, kasama kita. " Naiimagine kong nakangiti siya habang sinasabi niya yun sakin.
" Zacha naman eh. " nararamdaman kong nag-iinit yung pisngi ko. Salamat talaga at mag-isa lang ako dito ngayon.
" Oh bakit? Anong ginawa ko? Nagsasabi lang ako ng totoo. "
" May picture naman ako sayo eh. Di yun titigan mo. "
" Ayoko ng picture. Gusto ko actual. Di ko naman mayayakap yung picture eh. Teka lang ma, ha? Idrain ko lang yung tubig nung pancit canton. "
" Sige , pa. "
Sinimulan ko namang kainin yung champorado. Hmmmm. Sarap.
" Ma, tapos na. Kain na tayo. " nagulat ako nung bigla siyang nagsalita.