Part 3

37 2 2
                                    

==========================================
From: Zacha♥

Isusulat ko sa dos por dos yung salitang MAHAL KITA

Tapos ihahampas ko sayo para damang dama mo talaga.

Pero dahil nga mahal kita at hindi ko kayang ikaw ay masaktan

Yayakapin na lang kita, at ipaparinig ko sayo ang puso kong ikaw
lang ang sinisigaw at ikaw lang ang laman. :)))

Happy 1st monthsary, Ma! I love you from the bottom of my
hypothalamus. ♡♡ See you later my girl. :) :*

==========================================

Ito ang mensaheng agad agad na bumungad sa akin paggising ko pa  lang. At tama, first monthsary namin ngayon. Buo na agad ang araw ko pagkabasa ko pa lang ng mensahe niya. Napangiti ako. Alam na alam niya talaga kung paano ako pakiligin.

Bumangon na ako at naghanda para pumasok. Mahirap na ma-late.

Pagpasok ko sa gate, binati ko agad si manong guard. Binati niya din ako at  napansin kong kakaiba ang ngiti niya ngayon. Pagdating ko naman sa classroom namin, abot hanggang tenga ang ngiti nila Aynah, Ferry at Aaliyah.

" Aba naman blooming na blooming ka girl ha. Yan ba talaga ang nagagawa ng pag-ibig? " nakapamewang na sabi ni Aaliyah.

" Hindi naman grabe naman kayo. Hindi naman ako blooming noh. " sabi ko sabay ngiti.

" Sus pahumble. Eh hindi mo naman kaya nakikita ang sarili mo ngayon. " - Ferry

" Waaah! " - Aynah

Nagulat kami sa biglang pagsigaw ni Aynah. Kaya napatingin kaming tatlo sakanya.

" Nyare? Problema mo at pasigaw sigaw ka pa? " - Ferry

" Girls 13 ngayon. And ano ang meron sa 13? " - Aynah

" Birthday mo? Happy birthday-- ARAYY! Bakit nambabatok?! " - Ferry

" Ilang taon na tayong magkakasama hindi ngayon ang birthday ko wag shunga. Utak mo nasan? Umayos ka nga. " - Aynah

" Ang brutal mo talaga. Eh ano ngang meron? Hindi friday the 13th ngayon. Lunes ngayon kaya umayos ka. Daming paliguy ligoy di pa lang diretsahin kasi.  " - Ferry

" Monthsary nila Zacha at Shaskiya ngayon. " - Aynah

Pagkasabing pagkasabi ni Aynah, nagtinginan silang tatlo sakin. Nginitian ko silang lahat tsaka naman nila ako grinoup hug. Inaasar nga nila akong manlilibre daw ako kasi araw namin ngayon.

=====

Huling subject bago ang lunch break. Abala ako sa pagsagot ng seatwork ng may biglang may lumipad na papel na eroplano sa armchair ko. Lumingon ako sa paligid at nakita kong nakasilip si Zacha sa may bintana. Kinindatan niya ako, ngumiti ako sakanya tsaka siya sumenyas na aalis na siya. Tinago ko agad yung papel na eroplano sa bag ko pagkatapos nakangiti kong tinapos ang seatwork namin.

*Lunch Break*

" Iwan ka lang muna namin saglit Kiya ha? Bili lang kami ng pagkain namin. Balik kami agad. " Paalam sa akin ni Aaliyah.

" Sige. " nakangiti ko namang sagot sakanya tsaka sila umalis.

Inaayos ko yung mga gamit ko nang may biglang nagpiring sa mata ko. Natigilan tuloy ako.

" Sino ka? " tanong ko dun sa nagpiring sa akin pero hindi niya ako sinasagot. Inalalayan niya akong tumayo at maglakad. Gusto ko mang itanong kung saan kami pupunta ay tila napipi ako. Hindi naman ganun kalayo yung nilakad namin. Inalalayan din niya akong umupo, tsaka niya tinanggal yung piring. Agad na nakita ko sa harapan ko ang lalaking mahal ko. Nakangiti sa akin. Hindi din nakaligtas sa paningin ko yung pagkain na nakahain.

" Happy monthsary ma. :) " sabi niya sabay abot sa akin ng isang long-stemmed na puting rosas na agad ko namang kinuha.

Napangiti naman ako habang tinitignan  rose.

" Salamat, Pa. "

" Kain na tayo, Ma. "

Pinaghain niya naman ako. Nilagyan niya ng kanin yung plato ko, tsaka niya nilagyan ng ulam na adobo. Unang subo ko pa lang, nasarapan ako. Kaya habang kumakain, hindi ko maiwasang ngumiti.

" Kamusta naman yung lasa, Ma? Masyado bang maalat? " Nag-aalala njyang tanong sakin na sinagot ko naman ng sunud sunod na iling. Agad kong hinawakan ang kanyang kanang kamay tsaka ko bahagyang pinisil.

" Hindi, Pa. Ang sarap, sobra. " nakangiting tugon ko kaya ayun, nakahinga siya ng maluwag tsaka ako ginantihan ng ngiti. Napansin ko namang may band aid yung dalawang daliri niya. Agad niyang binawi yung kamay niya tapos nahihiyang tumingin sakin habang kinakamot ang kanyang batok.

" Wala to, Ma. Kulang ata kasi yung hinihiwa kong sibuyas kagabi kaya ayun nadamay yung daliri ko, pero okay lang. Hindi naman lalabas yung mga bituka ko dito. *chuckles* "

Natawa siya kaya natawa na rin ako. Nakakahawang tunay ang tawa ng nilalang na ito. Nakakagaan ng pakiramdam yung tawa niya.

Ilang sandali pa ay natapos kaming kumain. Ililigpit ko na dapat yung pinagkainan namin pero ang sabi niya?

" Ako na, Ma. Ayokong mapagod ka. Ang gawin mo lang ay wag tumigil sa pagmamahal sa akin. That's all. "

Tsaka niya ako hinalikan sa noo.

Hindi ko nga alam kung kulay mansanas na ako. Lagi na lang siyang ganyan, pinapakilig ako.

Habang hinihintay namin yung bell, nakaupo kami sa isang bench. Magkahawak ang aming mga kamay. Napangiti ako. Ito ang pakiramdam na ayaw kong ipagpalit sa kahit ano pa. Kapag kasama ko siya, pakiramdam ko maayos ang lahat. Na ligtas ako. Dahil nandiyan siya lagi para sa akin.

" Pa, pwede ba akong magtanong? "

" Oo naman. At ang sagot ko sayo ay yes, I will marry you. Nasan na yung sing---ARAY! Sorry na Ma naman eh. "

Kasi naman ang seryoso ko tapos babanatan ako ng ganun kaya sinuntok ko. Inirapan ko siya.

Agad niya namang ikinulong ang mukha ko sa mga kamay niya, sabay titig sa mga mata ko. Yang mga matang yan, nakakainis na. Para akong hinihipnotismo sa mga titig niya.

" Joke lang yun, Ma. Sige na tanong ka na. Shoot it. "

" Would you stay by my side, forever? "

Ngumiti siya.

" No I won't. "

Biglang nawala ang ngiti ko sa labi. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Lumalabo na yung paningin ko.

Agad siyang nabalisa, at pinunasan agad ang takas na luha mula sa mata ko tsaka niya ako niyakap ng mahigpit.

" Ma, hindi pa kasi ako tapos. *chuckles* I don't believe in forever. But one thing's for sure. I'll be your lifetime partner. "

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 23, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Not Meant For MeWhere stories live. Discover now