Part 1

65 2 1
                                    

Kababa ko lang ng tricycle. Nandito na ako sa school. Christmas Party namin ngayon, at naiirita ako sa pinasuot sakin ni mama.

Inabot ko na kay mamang driver yung bayad kong sakto para hindi niya na ako suklian. Sabi nga nila, ' barya lang sa umaga '.

Inayos ko ang sarili ko habang naglalakad ako papuntang gate. Sinalubong naman ako ng ngiti ni manong guard.

Nagpatuloy lang ako sa paglakad sa corridor. Hindi ko alam pero napapatingin sila sakin tapos nginingitian ako. Ang weird lang ng feeling. Nakakaconscious tuloy.

Pinasuot ako ni mama ng sleeveless na blouse, leggings tsaka pinagheels ako ng 2 inches. Tinirintas niya ng parang headband yung buhok ko. Hindi naman sa tomboy ako, pero hindi lang talaga ako ganito kakikay manamit. Kung nagpants na lang sana ako, rubber shoes tapos shirt, eh di sana hindi ako center ng attraction ngayon.

Malapit na ako sa classroom namin nung makita ko siya. Pasalubong siya sakin. Naka polo siya, pants tsaka leather shoes. Sinuklay niya yung mejo mahaba niyang buhok sabay ngiti sakin. Nahiya naman ako, kaya nginitian ko din siya. Yung mahiyaing ngiti.

" Hi miss. Can I get your----- ARAY!"

Sinapak ko nga. Siraulong to.

" Easy easy. Jinojoke lang kita ano ka ba. Haha. Ganda natin ngayon ah? Bagay mo. :) " sabi niya. Gumilid lang kami saglit kasi mahirap na magkwentuhan sa gitna ng corridor, ang daming dumadaan.

" Bolero. Hmp. "

" Hindi ako bolero. Honest lang. :) "

" Oo na lang. "  Hindi ko siya matignan sa mata. Nahihiya ako.

" Sige na kita na lang tayo mamaya. May pinapakuha pa sakin si Mam. See you later, my girl. " sabi niya sabay kindat tapos alis.

Feeling ko nagblush ako. Hahaha. Lol. Nilingon ko siya saglit. Pinanood ko muna habang naglalakad palayo. Napangiti na lang ako tsaka nagpatuloy sa paglakad.

Last Christmas Party ko na to, next year ay college na ko. Pero tingin ko hindi ko maeenjoy ngayon. Hindi ko close lahat ng classmate ko, konti lang silang close ko. At lagi kong kasama lagi ay yung tatlo kong best friends.

" Naks naman girl na girl! " yan ang narinig ko mula kay Aaliyah pagkatapak na pagkatapak ko pa lang sa classroom. Nilapitan niya ko, kasama sila Aynah at Ferry. My best friends. :)

" Kung ganyan ka ba naman mag-ayos lagi eh di wow na wow! " OA na sabi ni Aynah.

" Ayoko nga. Hahaha. Asa naman. Minsan lang to girls, at hindi na mauulit. " yun na lang ang nasabi ko.

" Aba nga naman ang ganda mo parang eclipse. Minsan lang lumabas sa loob ng maraming taon. "  natatawa pang sabi ni Ferry sakin kaya nagtawanan na lang kami. Di naman ako naoffend. Ganito kami eh. Hahahahaha.

Natigil kami sa tawanan nung tinawag na kami ni class president dahil start na.

Naglead si Mam Celeste ng prayer. After ng prayer, nagstart na yung mga games. Hindi naman sa KJ ako pero di ko feel sumali sa games. Nakikitawa na lang ako sa mga nageenjoy.

*Brrt!*

=.=.==..=.=.=.=.==.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=
From : Zacha♥

Dito na ako classroom. Ikaw?

=.=.=.=.=.=.=.=.=,=,=,=,=,=.=,=,=.=.=.=
To : Zacha♥

Dito na din. Nagpapagames na sila. :)

=.=.=.=.=.=.=.=.=,=,=,=,=,=.=.=.=.=.=.=.=.=
From : Zacha♥

Bakit di ka sumasali?

Not Meant For MeWhere stories live. Discover now