TGNS - 2

20 1 3
                                    

A/N: Okay there's been a change of plan. Ang location nila Shien ay nasa Davao. Yun lang po. Sorry.

----

"Teasings"

Shien's POV

Monday na naman ngayon. At 3rd week of June na. Nandito na ako sa students lounge. Naghihintay pa ako sa mga limang baliw. Baliw - in a good and funny way ha.

The usual late si Demie yung best friend ko. Sa aming six kasi na magkabarkada si Royce at si Claire lang ang maaga na pumupunta sa school kasi nagbabus sila hindi ko lang alam kung saan sila nagsusuot ngayon. Ako minsan lang malate. Si Demie, Ley Ann at Mandy naman ang mga pure late comers. Bwahahaha!

Since loner na naman ako kasi wala pa akong masyadong naclose sa mga classmates ko na nandito, lumapit na lang ako kay ate Graze. Siya pa lang kasi yung medyo close ko sa klase aside kay Demie, Lanie at Shemy.

"Ah hi ate Graze." Awkward kong sabi. Sorry naman hindi ako palahalubilo. Nga pala tinatawag namin siyang ate kasi siya yung pinaka eldest sa amin sa klase. 4th year highschool na sana siya ngayong school year kaso pinahinto siya dahil kailangan niya ng eye rest. Sira na kasi yung mga mata niya kaya sumusuot siya ng eyeglasses na malaki ang grado. Kaya 3rd year highschool siya ulit at naabutan rin siya ng K12.

"Hello. Shien Kate diba?"

"Shien na lang."

"Sige-sige. Dito ka ba nag first year?"

"Oo dito na rin yata ako mag grade 10. Okay naman dito sa CA eh."

May sasabihin pa sana si ate Graze ng nagbell na. It means magsisimula na ang flag ceremony kaya bumaba na ang mga estudyante papunta dito sa students lounge. Ang mga first year lang ang nakalinya sa labas ng classrooms nila. Halata sa mga mukha ng mga estudyante na pagod pa sila kasi nga monday na naman ngayon. Poor monday, daming haters. So peymus.

Pagkatapos ng flag ceremony ng wala parin si Demie ay umakyat na kami sa mga classrooms namin para sa homeroom.

Umupo na ako sa permanent chair ko. Habang naghihintay ako kay Demie ay nagoobserve ako sa mga classmates ko. Ganun na talaga gawain ko since gradeschool, ang magobserve sa ibang tao.

Nakikita ko yung mga lalake kong classmates sa isang corner na ang lakas ng tawanan at biruan. Sa gilid naman nila ay mga apat na mga babae na nagsecellphone at naguusap lang. May maggirl best friends na naguusap at mag boy best friends rin. Sa likuran naman ay may limang babae at isang bakla na naglalaro ng habulan sa loob at naghahampasan. Takbuhan dito, takbuhan doon. Napailing na lang ako. Pansin kong may pagkachildish tong mga classmates ko eh. But maybe it will be the reason for us to be united in a class. Nakakaexcite naman nun!

"Dem! You're late." I gave her my bored look. She just shrugged and placed her bag on her chair and sat. Umupo muna ako sa upuan na katabi ng chair niya. Hindi pa naman umupo si Kano dito at wala pa rin si ma'am May.

"You've got some explaining to do later, young lady." Wait.. what?

"Explain? What do you-" I was cut off ng pumasok na si ma'am May. Kaya bumalik na kami sa mga permanent seats namin. Gusto kasi ni ma'am organized kami. Ayaw niya yung kahit saan saan na lang kami nakaupo. Tapos dapat may dalawa daw kaming trash can sa loob ng room para hindi na kami lumabas kapag class hours. Eh nasa labas lang ng room namin ang mga trash bins na bio at non bio. Ma'am is.. I don't know the term. Basta love parin namin siya! Hahaha!

The whole 2 hours nakinig lang ako sa mga diniscuss nila ma'am at sir kahit bothered ako sa sinabi ni Demie earlier. Ano ba kasi yun?

"Sige magrecess na kayo. Kain kayo ng madami wag maging kagaya ni Kim Chiu." Ang sweet naman ng 'goodbye' ni sir.

The Girl Named Shien (TGNS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon