TGNS - 1

49 1 2
                                    

"Encounter"

Shien's POV

Pinasuot ako ni mama ng dress na hanggang tuhod ko, nilagyan pa ng light make-up and then what? Killer heels for a perfect combination? Ang sarap ibigay sa mga mas nangangailangan ng heels pero sayang naman. Ang mahal kaya nito.

Nagwowonder lang ako sa mall alone kahit medyo masakit na yung paa ko dahil sa heels. Di pa kasi ako sanay. Sorry naman, mama kasi eh. Nagdinner kasi kami with my family and also my mother's highschool best friends, kasama rin nila mga asawa't anak. Hindi ko feel makipagsocialize sa kanila. Kasi nga I'm giving them time to talk to each other. Wala namang masama dun. Ilang years na kaya sila walang kita-kita sa personal. Miss na rin nila ang isa't isa. Hay, sana ganun rin yung barkada ko kapag may sarili na kaming mga pamilya. Kahit busing-busy kami, hahanap parin kami ng time. That would be awesome.

Hi ako nga pala si Shien Kate Wolfer. The pokerface queen. Mahilig sa color red. Hindi ako maganda, kasi gwapo ako. 5'2 height ko. Mahilig rin ako sa anime. At simple lang.

While walking 'smoothly' (scratch that) 'like a robot', nakita ko na yung life saver ko. Yung bench! Finally makakapaghinga na itong mga kawawang paa ko.

Wala pa ako nakadalawang hakbang papunta sa available bench ng natapilok ako. Leche. These good-for-nothing heels. But not for long dahil may sumalo sa akin.

"Okay ka lang?" Yang boses ang familiar sakin. Narinig ko na to before. Kaya umayos muna ako ng tayo at nashock na lang ako na si..

"Ahh okay lang ako-Jules?" Anong ginagawa ni Jules Daxon dito? First time kong makita siya sa mall. Natingin lang siya sa akin. Pokerface.

"Hi Shien? Sorry di kita nakilala agad." Sabay ngiti ng tipid, nakita ko yung cute and deep na dimple niya. Naks. Pero di niya ko nakilala agad? Ako parin naman to sa salamin nung last check ko ah.

"Ano pala ginagawa mo dito?" Baka naman nadistorbo ko siya. Nako.

"Pamilya ko. Naglakad-lakad lang ako dito sandali." Himala hindi siya matipid magsalita. Unlike nung 2nd year kami mga 2 or 3 lang ang salita na sinasabi niya.

"Ahh.. Pwede ba tayo magusap-usap? Loner ako hahaha."

"Sure. Hahaha." Nung first year highschool kami para siyang hangin sakin, kasi ang tahimik niya mas tahimik pa nga sakin. Kumakausap lang siya sa mga kabarkada niya. Tapos nung second year para naman siyang bakla para sakin, kasi hindi siya kumakausap ng mga kaklase naming babae, parang walang lakas kumilos. Tapos may pagkabromance rin sila ng best friend niyang si Anjelo. #Juleloftw HAHAHA! Btw, pag bored ako sa klase minsan nagoobserba ako sa mga kaklase ko then nagshiship ako ng boyxboy na mga kaklase ko kaya minsan napapailing na lamang si Demie sa mga kalokohan ko. HAHAHAHA! And that time I find him very mysterious. Ewan ko ba kung bakit. Hindi kasi siya pala salita.

Pupunta na sana ako doon sa bench ng may umupo ng mga 3 tatlong tao. Kahit sa ibang benches puno na rin. MALAS. Paano na tong heels ko? Alangan naman uupo ako sa floor na tiles tapos siya nakatayo lang habang naguusap kami? Ayoko din naman bawiin yung sinabi ko kasi mas mabobored at maa-awkward ako doon kila mama. No choice kundi maglakad-lakad na lang kami, titiisin ko na lang yung sakit. Huhuhu.

"Oh sige lilibot na lang tayo sa labas. Mas maganda doon eh." Sana talaga makisabay itong mga paa.

"Geh." Nagsimula na akong lumakad. Sumunod naman siya hanggang sa nagkasabay na kaming naglalakad.

"Anong gusto mong topic?" Of course I started first. Ako naman talaga una magsalita kapag kasama ko to eh. -__-

Nakalabas na kami sa mall. Yung part na may mga fountains na may colored lights. Ang ganda talaga dito. Hindi ako magsasawa. May mga punuan rin at bermuda grass. Sarap maghiga rito at magpicnic eh.

The Girl Named Shien (TGNS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon