TGNS - 4

8 0 0
                                    

A/N: Here's the part 2 as I've said the other chapter. Brace yourselves.

----

"Bothered" (part2)

Nakauwi na kami ng kapatid ko from school kaya the usual nagfacebook na naman ako. Active eh.

This time isesearch ko yung pangalan ni Juliene Laurence. Yung kaMU daw ni Daxon. Hindi ko kasi siya nakikita sa school eh. Ayaw ko rin naman pumasok sa room nila. Parang awkward doon na ewan ang atmosphere, or is it just me? Nacurious kasi talaga ako sa mukha niya.

Nung nasearch ko na yung pangalan niya lumabas yung profile picture niya. Syempre clinick ko kasi madami siyang mutual na na tagaCA.

Maganda, maputi, sikat (200+ yung likes sa dp niya), matangos ang ilong, at chubby. Yan yung masasabi ko sa kanya. Grabe para silang magkapatid ni Daxon! This only means one thing.. Bagay po sila! As in magkamukha talaga sila. Hindi nga lang siya pokerface pero oks na.

Sabi nga raw nila na kapag magkahawig daw kayo ng gf/bf/kaMU ay makakatuluyan o magtatagal daw relationship niyo. Agree ako diyan mga tsong! Kasi magkahawig si mama at papa eh. Hindi nga lang tanggap ni mama na magkahawig sila. HAHAHA!

'Bagay? Weh? Selos ka. Tinatago mo lang.' Anong alam mo? Wag kang mag magaling.

'I'm your inner conscience. Kaya may right akong mag magaling. -__-' Ay oo nga pala. I forgot. -__-

Since I'm an autoliker niflood ko yung mga pictures niya. At nagfriend request rin ako. Ang ganda niya talaga kahit chubby siya. Nakakainsecure. Pag tinabi niyo ko kay Juliene parang maid lang ako. Halata kasing sa pictures niya na alagang alaga yung skin niya, ang kinis! Eh ako ang dryyy.

Nalaman ko rin na taga-Surigao siya dati. Lumipat lang yung pamilya niya dito sa Davao.

Kita ko rin sa mga pictures at nipopost niya na halatang rich kid siya. Selfie niya pa lang sa mirror kita na yung latest na iPhone 6! Poor kid here. *waves* Halatang religious rin siya.

Girl crush ko na yata siya guys.

Nakita ko sa wall niya na may inupload siyang tatlong pictures na posted 4 hours ago. Tama nga ang sinabi ni Ana. May picture si Juliene at Ivan. May picture rin naman si Juliene at Jules. Tapos sa third pic sila ng tatlo.

Realtalk, ang bakla tingnan ni Jules sa mga pictures. Kadiri lang. Hahaha!

Walang wala ako kumpara kay Juliene.

Wait nasabi ko ba yun sa utak ko? Kaloka talaga ako. Hahaha!

'Magayos ka na kasi. Dapat every period magsuklay ka. Hindi yung 2 times a day lang no! Magpulbo ka para hindi oily mukha mo. Tsaka taliin mo rin kaya yang buhok mo? Ever since gradeschool hindi na po nagbabago hairstyle mo. Palagi na lang hindi tinatali. Ang plain! Nakakasawa na. HAHAHAHA!' Hindi ko alam kung maganahan ba akong magayos o pabayaan na lang. Kahit konsensya kita ang sakit mo parin magsalita. Para ka ring si mama. Meh. Pag 18 doon na talaga ako magaayos.

Nganganga yun sila sa akin kapag nalaman nila na ang chiks ko na. Hahaha! May problema bang mangarap?

'Hindi ba pwede--' College na nga kasi ako magaayos. Sheesh. Tigas rin ng ulo nito.

Naisipan kong icheck kung sinong online sa chatbox ko. Online na naman si Jules.

Juliene Laurence accepted your friend request.

Pagkareceive ko sa notification ko, nirefresh ko kaagad at chineck ulit yung chatbox at nisearch doon ang pangalan ni Juliene. Clinick ko pangalan niya at tinurn on chat ko rin siya. Online nga siya sa mobile.

So bale naglinya yung mga pangalan nila Jules, Juliene at Ivan sa chatbox ko. Nakamobile silang tatlo. Ibig sabihin ba nito naggroupchat na sila ngayon?

Bakit ba ang chismosa ko? Ano naman kung nagchachat sila? Wala akong pake kung ano man yang chinachat nila kasi nga MU sila ni Daxon at parang.. third wheel si Ivan? Haha parang ganun nga.

Nakikita ko rin sa latest news feed ko na may nipost si Juliene na parang related kay Jules. Naglike at nagcomment naman sila Jules at Ivan. Naging maingay na si Jules sa facebook ah. Feeling ko nagiging active na rin sa facebook si Jules ng dahil kay Juliene. Parang diba?

Maglologout na sana ako ng naisipan kong ilike yung post ni Juliene. Yan kontento na ako.

Naglogout na ako, inoff yung laptop at humiga na sa kama.

Bakit ba ako nabobothered sa nakikita ko sa facebook? *yawns* Inaantok lang siguro ako.

Good night.

----

A/N: Another lame update. :|

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Girl Named Shien (TGNS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon