Ch. 04 - On Call

0 0 0
                                    

IV - On Call


Daniel' s PoV"Hoy, tapos na shift ko. Hatid na lang kita sa restaurant. Total, malapit lang naman iyon sa subdivision namin." Kinuha ko ang helmet, jacket at bagpack sa staff room. Napakaganda ang papalubog na araw sa pagsapit ng alas singko ng hapon, pati ang kulay nito. How mesmerizing it would be kung malaman kong sa akin lalapit ang araw kapag papalubog na, kapag sa akin ang bagsak niya. Tipid na lamang akong ngumiti at pinagmasdan si Chary na nag-aayos ng gamit niya. I cannot believe this woman, parang langgam kung magtrabaho. She has three to four jobs everyday, I guess? Nag-krus ang mga braso ko sa kakaisip at umiwas ng tingin mula sa kaniya. Lumabas ako at naghintay sa may pintuan ng kuwartong iyon. "Andito lang ako sa labas, hintayin na lang kita."


Sa ilang minutong paghihintay ay pumihit na ang doorknob at iniluwa si Chary. Ngumiti ito sa akin at nagsuot na rin ng helmet. "Tara na Dan, baka ma-late ako hahaha!" Narinig ko muli ang tawa niyang kaylakas, usually when she is nervous natatawa na lamang siya. Parang bruha kung humalakhak, kulang na nga lang ang broomstick at witch hat. But kidding aside, she is too beautiful and pure to be called like that. Sabay kaming naglakad papalabas ng coffee shop, mula sa air-conditioned na loob ay napakalaki ang pagkakaiba sa napakainit na labas. Ayokong mainitan, kaya nagsusuot ako ng jacket lagi kahit na pagpapawisan naman ako. Mas mabuti na ang maligo sa pawis kaysa lutuin ng naglalagablab na panahon. Kinapa ko ang susi sa dalawa kong bulsa pero hindi ko ito matagpuan, kaya naman ay hinalungkat ko sa bag.


"Oy salamat pala at ihahatid mo ako ngayon. Nakalibre ako sa pamasahe haha!" saad ng pagpapasalamat ni Chary. "Atsaka pala, may kapatid ka ba? Bakit palagi mong dala-dala itong pink na helmet? O kaya may inaangkas ka na sa motor ano, si Leslie ba? Yiiii!" Napatigil ako sa paghahanap, hindi mapigilan ng pisngi at tainga ko na mamula dahil para sa kaniya talaga iyong helmet. "H-Hindi ah. Tara, angkas ka na." Tinignan ko ang susi na hawak ko na ngayon at pinaandar ang motor.


"Sus, in denial ka pa ah. Oy dahan-dahan lang pala ayoko pa mabawian ng buhay pfft." She snorted like a pig that left me nothing but a wide smile. 2021 na pero parang kahapon lang. Hindi na ako nag-abala pang sumagot at pinaharurot na lamang ang motor ng napakabilis. Nagresulta ito ng tili mula sa kaniya, ngunit bilis ng tibok mula sa akin. Sa unti-unti na pagyakap ng kaniyang mga kamay sa aking baywang ay hindi ko na ito mapigilan pa. Gusto ko ang bawat sandali na iyon, ang mainit na pagkilala ng yakap. Kahit ngayon lang ay nais kong namnamin ang kilig na nararamdaman ko, nakakabakla si Chary. Pinaharurot ko pa ng mas mabilis ang sasakyan dahilan upang mas humigpit ang yakap niya sa akin. Naging tahimik ang paligid at tanging ako at siya lamang ang nananaig. Tunay ngang nakakabaliw ang pag-ibig. Parang kabute na susulpot at bibigyan ka ng malakas na pintig ng puso.


"Oy, ang tahimik naman natin. Kuwento ka nga— ay teka! May tanong ako," saad ni Chary. "Kumusta na pala nanay mo?"


"Hinahanap ka nun, punta ka raw kasi nami-miss ka na. Mas miss ka na nga kaysa sa sarili niyang anak hays." Hindi ko napigilang mapabuntong-hininga. My mom only has a year to live sabi ng doktor. But she never let it get on her way, same days pass by. She still wants to live up life like what she always do. Maayos naman na siya, pero nababawasan ng paunti-unti ang kaniyang taning dahil sa cancer. If we knew it sooner, maayos sana siya ngayon.


"Haha, sige dadalaw ako sa Sabado. Tapos pagluluto ko na rin siya ng sopas. Magpalakas siya, para maipakilala mo si Leslie balang araw." Humagikhik ito kaya binilisan ko ulit ang pag-drive. Sa wakas ay nakarating na kami sa restaurant. Hindi ko mapigilang mainis, she knows who I wanted to be with. Pero pilit niya akong itinutulak papunta sa iba. Wala akong magawa, dahil alam kong pagkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay sa akin.

Undeniably In Denial (Metro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon