VI - Aim for the Head
Chris' PoV"Hoy gago, bakit hindi mo ako inantay?!" bulyaw ko kay Topher sa cellphone, kaibigan at kasama ko mag-part time ngayon sa alumni homecoming sa ADMU.
Kung minamalas nga naman, grabe pa traffic kung magco-comute ako. Nakaligtas na sana iyong barya ko kung hinintay ako ng tukmol. Mayroon kasi siyang motor at nakikisabay lang ako tuwing raket o papunta sa paaralan.
"E kung nag-cutting class ka na lang kasi, " sagot ni Topher.
"Major iyon tangina, lagi ka kasing absent. Bahala na nga, putspa!" Dali-dali kong pinatay ang tawag, sa panggigigil ko ay malapit nang maging pulbos ang cellphone na hawak ko. Wala akong oras para mainis ngayon, kung hindi ay mawawalan ako ng sahod. Tae talaga!
Agad akong pumara ng jeep kahit na hingal na hingal pa. Alas tres y medya na at malayo layo pa ang inuupahan ko mula roon. Kung hindi lang sana ako iniwan ng gagong iyon, tae! "ADMU manong."
Nagpasintabi ako sa mga nadaraanan ko, mabigat at malaki kasi iyong suot-suot kong mascot. Idagdag pa rito iyong ulo, tiyak na pagpapawisan ako nito maya-maya kahit pa naka-AC. "Iho, hindi ako didiretso ro' n maglakad ka na lang, " pailing-iling niyang litaniya. Kung minamalas ka nga naman! Ngayon pa! Wala naman na akong choice kundi maglakad ng malayo kasama ang ulo ng mascot. Naglalakad ako ng mabilis papuntang Ateneo habang dala-dala ang mabigat na bagay, sa pagapak muli ng kaliwa kong paa ay natagpuan ko ang isang plastic bottle na palaboy laboy. Mukhang inabandona dahil wala nang halaga. I felt what this bottle had gone through as if it was alive. Hindi na paglalakad ang ginawa ko, pagsipa— teka pagdadabog na yata. Lamukos na ang bote sa kaka-torture ko, yuping yupi ang bawat gilid at tila hindi na cylinder ang hugis kundi isang flat shape na lang. Tatalon talon pa kasama ko ang mascot, nakakapawis!
That thing kept me entertained until I reached the marvelous school gate. Maganda at malaki, grabe pangmalakasan! Kung dito sana ako nag-aral... may magbabago ba? Hays! Iwinaglit ko iyon sa isipan ko tsaka pumasok ng gate, ayaw pa sana akong papasukin ng guwardiya pero nang makita niya iyong mascot ay pumayag na rin. Hindi ko mapigilang batukan ang sarili ko, totoo ba ito? Grabe, ang laki pala talaga ng ADMU! Para akong ewan ngayon, ngingiti ngiti na parang baliw. Maganda iyong paligid, napakalinis! Maraming halaman sa paligid, lalong lalo na iyong mga puno. Busy rin ang ibang estudyante na dumaraan, napakaseryoso ng mga mukha. Mukhang malaki laki ito ah, ang daming building. Mahihilo na yata ako sa kakaikot ng mata ko, peste saan nga ba iyong venue? Ay tae talaga! Kung kailan nandito na ako sa loob ngayon ko pa nakaligtaan, hindi bale na nga magtatanong na lang!
Saktong sakto rin na nahagilap ko ang isang magandang miss sa tabi, hinawakan ko iyong maputla niyang braso atsaka nagtanong kung saan ang direksiyon. "Ah miss teka lang, saan iyong venue?" Hindi ko alam kung bakit pero mas naakit ako sa kagandahan niya, hindi na ako maka-focus sa direksiyon na dinadaldal niya. Shet, ang swerte ko ata nang boyfriend ng dalagang ito! Ang ganda ng kutis at hugis ng katawan, maganda at simpleng itim na mata, nakakatulo-laway na labi at ngipin. Atsaka iyong maikli niyang buhok, tae complete package na! Interesadong interesado ako sa kaniya, hindi ko na pinalagpas na tignan ang name tag niya pero shet ulit! Ang ganda rin ng pangalan, gago parang anghel na bumaba sa langit! Ilang taon na kaya siya? May boyfriend na ba— este hays! Teka, saan na nga iyong venue? Tae naman Chris ano, asan na ba cellphone ko? I rummaged through my pocket and saw my gadget. LGBTQ+ iyong wallpaper ko, ewan pero ganoon talaga. Hindi mo masisisi ang isang tao kung iyon mismo ang sarili niya. Matapos ng isang panandalianh emo mode, pumunta ako sa dial pad atsaka tinawagan ulit si Topher.
BINABASA MO ANG
Undeniably In Denial (Metro Series #2)
Teen Fiction(Metro Series #2) "Undeniably In Denial" by @chamomileat Wawasakin mo ba ang puso mo para sa pangarap na isang buong pamilya? O wawasakin mo ang iyong pangarap para mabuo ang nagmamahal na puso? Charymae H. Tinauan has various part-time jobs since s...