chapter 19: ♥♡

16.7K 246 107
                                    

Tanya

Inay... ano ng nangyari!? Nasan na si itay!? Si intoy!? Salubong ko kaagad kay inay ng makarating kami ng ospital

Anak.. nagpapahinga ang tatay mo kasama si intoy.. naiiyak ng kwento ni inay.. ito ang ayaw ko sa lahat... ang nakikitang umiiyak ang mga taong mahal ko..

Bakit ho ngayon nyo lang sinabi sakin?? Naiiyak ko na ding tanong..

Ayaw ko lang naman mag alala ka e... sabi ni inay at patuloy na ngang umiyak..

Ang sabi ng doktor , pwede na ilabas ang itay mo pero naapektuhan ang mga paa nya kaya mananatili syang pilay.. at kung hindi magagawantng paraan yun.. maaaring tuluyan ng mapilay ang paa nya,.. diyos ko. Tanya tulungan mo ako!!! Dugtong pa ni inay..

Magkano ho ba ang bayarin sa ospital?? Maya maya ay singit ng binata samin.. don ko lang naalala na kasama ko pala sya... maski si inay ay di pansin ang presensya nya..

Ay!! S-sir harry!! Nandito po pala kayo.. pasensya na at hindi ko kayo napansin... gulat na sabi ni inay...

Okay lang,.. ako na ang bahala sa gastusin dito.. sabi ng binata at agad na naglabas ng tseke

Ay! Wa-wag na. Kaya na namin ito.. ako na ang bahala. Awat ko sa kanya habang ibinabalik ulit sa kamay nya,

Tinitigan nya muna ako na parang nananantya sya pero agad din naman syang tumango,,

Magkano ho ang babayaran dito,? Bulong ko kay inay... habang umuupo sa mahabang upuan.. nasa gitna nila akong dalawa. At kahit na maluwang pa ang espasyo. Ay maigi pa rin syang nakadikit sakin..

30,000 nak.. mahinang sabi ni inay..

Trenta mil ho.?? ganong kalaki.! Medyo malakas ko ng naisigaw.. san ako kukuha ng ganong kalaking halaga..

Ei. Na hit and run ang tatay mo kaya wala tayong magagawa kung hindi akuin ang lahat ng bayarin dito..
Atsaka nakalagap na ako ng diyes mil mula sa mga kapit bahay, mayor, at ang ipon natin...
Mahabang sabi ni inay.. nagamit na pala namin ang lahat ng ipon.. ano pa ba ang idadagdag ko.? Wala pa akong isang buwan sa trabaho ko...

Eto .. tanggapin nyo na.. muli ay pilit samin ng binata at sa palad ko naman inilagay ang tseke.

W-wag na sabi--

Tanya,? Alam kong kulang ang sampung libo sa bayarin bukod pa sa gamot. At isa pa. Ayaw mong humingi ng tulong kay zack.. kaya tanggapin mo na ito.! Pagpupumilit pa nya.
Totoo ang sinabi nya.. ayaw kong manghingi ng tulong kay zack.. marami na syang natulong sa pamilya ko.. sapat na ang mga iyon ayokong akalain nya na pera lang ang habol ko.

Okay ganito na lang.. ibibigay ko tong 50,000 at iaawas ko ito sa sahod mo. Okay na ba yun.? Putol nya sa mga iniisip ko.

Tumingin muna ako kay inay. Tsaka sya marahang tinanguan..

MAraming salamat sir harry..! Napakabait nyo talaga.! Naiiyak ulit na sabi ni inay..

S-salamat.! Sabi ko sa kanya.

Tara na ho at nang maialis na natin si itay! Sabi ko kay nanay..

Ihahatid ko na kayo.! I insist! Sabi pa nya.. hindi na ako umangal dahil kailagan namin ng komportableng masasakyan..

-------

Harry.

Mula sa ospital ay tinahak namin ang mabato at maputik na daan papunta kila tanya..

Nakailang hingi na ng pasensya ang nanay nya dahil sa makipot na daan papunta sa kanila..

Nang makarating sa bahay nila ay agad akong tumawag sa bahay para dagpahatid ng mga pagkain..

Naku. Sir harry pasensya na kayo.. masyadong maliit at masikip ang bahay namin... hinging paumanhin nanaman ng nanay nya. Marahan ko lang syang tinanguan at sinabihan na 'ok lang'

Intoy! Kunin mo muna yung upuan sa taas! Utos ni tanya sa bata na nalaman kong kapatid nya pala..

Sa totoo lang ay walang kamukha si tanya isa man sa kanila. Masyadong iba ang mukha nya kumpara kay intoy at sa mga magulang nya.
Morena ang kanyang kulay matangos ang ilong manipis na labi at matangkad sa tanya.
Pero wala namang nakukuwento si zack sa akin ng kahit na ano..

Sir harry upuan po.! Pukaw sakin ni intoy ng ibigay nya anp upuan na bali na ang sandalan..

Salamat sa paghatid samin dito! Sabi ni tanya at nginitian ako.

Mababayaran ko rin yun! Dugtong nya..

Pero nginitian ko lang sya..
Wala naman talaga sa loob ko na tulungan sila kanina e. Pero sa isip isip ko ..kung gagawin ko yon lalong mapapalapit sakin si tanya dahil may utang na loob sya.

Tay., pag nakaipon ako ipapagamot natin yang paa mo! Sabi ni tanya habang inaalalayan ang matanda sa pagupo..

Anak tanya, sinabi ko na sayo na huwag na! Kahit gumaling ang mga paa ko hindi na rin ako makakapagtrabaho ng maayos! Malumanay na sabi ng matanda.

Kahit na.. gusto kong makalakad pa rin kayo.! Intoy! Kuhanan mo nga ako ng basang bimpo.! Utos nya ulit sa bata.

Ate oh.! Abot sa kanya ni intoy.

Ayos ka lang ba? Tanong nya.. kanina pa kasi nanghihina ang bata.

Ay may sinat pala iyan.! Sabat ng nanay nila.

Naku ate wala ito.! Maaga na lang ako mag papahinga mamaya.!--

Tao po!!! Maya maya ay rinig ko na ang boses ni mang dante..

Ako na po.! Pagboboluntaryo ko.
Pagkalabas ay ipinapasok ko na ang mga pagkaing pinadala ko..

Para san ang mga yan.? Kunot noong tanong ni tanya. Ng mailapag sa mesa ang mga pagkain..

Ipinahanda ko sa bahay.. kumain po muna tayo malayo po ang biniyahe natin e.. ! Sabi ko sa kanila..

Ay naku sir harry maraming maraming salamat.. sobra sobra na ho ito.! Pagpapasalamat ng tatay naman ni tanya

Wala ho yun.. mang dante sumabay ka na rin samin.! Aya ko kay mang dante..

Ahm.. s-sir harry h-hindi kami nagkukubyertos dito e nagkakamay lang kami! Nahihiyang sabi ni tanya..

Pero!! Tuturuan na lang kita.! Nakangiti nyang sagot ..
Nginitian ko rin sya atsaka sumandok ako ng kanin gamit ang kamay.

Kapag nakakakita ako ng mga taong nagkakamay ay nandidiri ako . Pero mas masarap pala kung kamay ang gagamitin mo!

At mas masarap pala kung kumakain ka kung naguusap usap kayo ng mga kasama mo.! Ngayon ko lang nasubukan ang ganito at sobrang saya pala..

NANG matapos ang kainan ay nagpaalam na rin kami nila tanya..
Gusto daw magtrabaho ni tanya para mabayaran agad ang nautang.

Kaya bumiyahe na kaming tatlo..

Salamat ulit.! Sabi nya sa akin..

Sa akin ko sya pinasakay dahil nasa sasakyan ni mang dante ang mga nilagyan ng pagkain..

Wala ngang anuman.! Pagsabi ko ulit sa kanya.

Kung wala ka.. hindi ko na alam ang gagawin ko.!
sabi pa nya..

Nandito lang ako.!
Sabi ko tsaka ko hinawakan ang kaliwang kamay nya na nasa hita nya na ikinagulat nya.!

-------------------------------------------------------------

A hot nights with me.?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon