chapter 11: ♥♡

6.2K 105 0
                                    

Tanya's pov

Sigurado ka na ba sa mga sangkap?? Baka may kulang pa! Puna ni ana habang itinataas ang mga napamili namin..

Oo naman!! Tara na para makapagluto na ako!! At inaya ko na syang sumakay sa owner

Tsk! Kaya ka nagustuhan ni sir zack e! Natatawang sabi nya

Nginitian ko lang sya at nagpatuloy na sa byahe..

Nakarating ako ng mansyon pero tahimik pa.. siguro ay tulog pa sila.
Pumunta na ako ng kusina at sinimulan ko na ang pagluluto..
Nakatingin lang ng maigi sakin sila aling rose at mang dante

Ano ba ang lulutuin mo?? Tanong ni aling rose sakin..

Yung mga pang karaniwan pong niluluto nyo ngayong araw.. menudo tapos yung adobo po papalitan ko ng kare kare, pati po rellenong bangus at liempo, nag bake din po ako ng cake .. pang himagas.. sabi ko at nagpatuloy na ko sa paghihiwa

Bago ang kare kare ah.. puna ni mang dante

Opo.. yun lang po kasi ang hindi niluluto ni aling rose e.. sabi ko

Ayaw kasi ni sir harry ng bagoong.. pero mukhang magugustuhan ni sir miguel yan.. paborito nya yan e. Ngiting sabi ni aling rose

Ganon po ba?? Sana nga magustuhan nila tong iluluto ko!! Nakangiti kong sabi at ipinagpatuloy ko na ang pagluluto..

---------------

Manang rose!! Handa na ba ang tanghalian?? Maya maya ay tanong ni sir miguel habang bumababa ng hagdan kasama si maam carla..

Ay sir, maam, good afternoon po. Handa na po ilalabas na lang po namin. Sabi ni aling rose at pumasok na sa kusina

Nena, ana, tulungan nyo na akong maglabas ng mga ito.. at ikaw tanya.. ikaw na ang tumawag kila sir zack ...
Sabi ni aling rose samin kaya pinuntahan ko na sila

Una ko nang pinuntahan si maam rosaly..

TOK! TOK! katok ko.

Maya maya lang ay may nagbukas na ng pinto

Good afternoon po! Pinapatawag na po kayo  para sa tanghalian.. sabi ko sa kanya at nginitian

Tatalikod na sana ako ng tawagin ulit ako..

Tanya!! Tawag nya sakin..

B-bakit po?? Takang tanong ko

Wag mo na akong pino-po!! Sabi nya

Hindi po pwede e!! Nahihiya kong sagot

Nginitian nya lang ako.. at nagulat ako sa sunod na sinabi nya..

Magpakasal na kayo ni kuya zack!! Gusto kita para sa kanya !! Ngiting sabi nya.. saglit akong napanganga sa sinabi nya bago ko maintindihan ang mga sinabi nya..

T-thank you!!

Mahal na mahal ka ng kapatid ko!! Sabi pa nya kaya mas lalo akong napangiti sa sinabi nya..

Ako din. Mahal na mahal ko si zack..! Nakangiti ko ring sabi

Kaya umalis akong may ngiti sa mga labi..

Nang pupuntahan ko na si sir harry at si zack ay tamang tama naman na nakasalubong ko sila sa may hallway..

Mahal!! Tawag sakin ni zack at inakbayan ako .. hindi ko na lang pinansin ang tingin ni sir harry sa amin..

A hot nights with me.?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon