Lianna's POV
"Ano? Napag-initan ka na naman ba ng boss natin?" nangingilalang tanong ni Jill sa'kin nang makitang parang drained na naman ako
"Ano pa nga ba? Eh alam mo namang paboritong sabunin ni boss 'yang si Yanna," gatong naman ni Carissa na seatmate ko sa bay namin, "Ewan ko ba d'on at napakainit lagi ng dugo dito sa batang ito."
"Gan'un talaga 'yun. Sanay na 'ko," sabi ko naman at inilabas ang baunan ko mula sa lunch bag na dala-dala ko
"Alam mo, kung ako sa'yo, nag-resign na 'ko talaga, beh. Kung ganyan ba naman ako pagtripan ng boss ko, jusko. Sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos, laging ikaw ang papansinin? Puro mali mo na lang ang nakikita? Suko ako dyan kung ako ikaw," sabi naman ni Jill na naiiling-iling pa habang ngumunguya ng baon nitong sandwich
"'Tsaka, beh, if need mo mag-leave, okay lang sa'kin ah? Ako naman sasalo ng workloads mo eh," nag-aalalang sabi naman ni Carissa, "Kasi seryosong nag-aalala ako sa mental health mo. Napaka-demonyo kasi ng boss natin talaga. Wala na siguro tayong magagawa talaga d'yan."
"Uy, 'wag na. Okay lang ako 'no. Kaya pa naman," nakangiting sabi ko at nagsimula nang kumain
"Naisip ko lang ah. Medyo weird kung iisipin sa una pero... 'di kaya... crush ka ni boss?" sabi ni Jill
Natigilan ako sa pagnguya ng kinakain ko, samantalang si Carissa nama'y muntik pang mabulunan sa kinakain. Halatang gulat rin siya sa sinabi ni Jill. Agad ko itong inabutan ng tubig na nasa tumbler na dala niya at hinagod-hagod ang likod para tulungan ito sa pagkasamid. Palihim akong natawa sa naging reaksyon ng kaibigan ko dahil gitlang-gitla talaga ito sa sinabi ni Jill. Nang mahimasmasan ito't mabawi ang sarili'y pinandilatan nito si Jill na mukhang seryoso naman sa unang sinabi nito.
"Oh, bakit? Naisip ko lang naman!" depensa ni Jill sa kanina'y sinabi
"Kung gan'un lang rin ang magkakagusto sa'kin, 'wag na lang!" masungit na sabi ni Carissa, "Anong love language niya? Manira ng mental health?"
"Eh kasi hindi naman ikaw. Si Yanna ang tinutukoy ko," paglilinaw naman ni Jill
"Aba, kahit na! Sino bang may gusto sa taong parang kanang kamay ata ng demonyo," inis pang sabi ni Carissa, "Nako, Yanna, kung totoo mang gusto ka niyang boss natin at paraan niya 'yang pananabon sa'yo para magpapansin, 'wag mo i-entertain. Sisirain mo lang buhay mo."
"Pero alam niyo, cute naman si boss eh. Masungit lang talaga," nangingiting sabi naman ni Jill bago nagbaling ng tingin sa'kin at tinuro ako gamit ang hawak na tinidor, "Bagay kayo."
"Jillian!" saway ni Carissa kay Jill sabay hawak sa kamay ko na para bang iniaalis ang atensyon ko sa kaibigan namin
"Bakit? Totoo naman ah," depensa ulit ni Jill sa sarili, "Single si boss. Single si Yanna. Oh, anong masama d'on?"
BINABASA MO ANG
That Day • svt [REVISED]
FanfictionBumalik muna tayo sa araw na yun. Kung kailan masaya pa ang lahat. Mga murang isipan... mga damdaming kaya pang pigilan. At mga labing ngiti pa ang nakapinta.