Thomas' POV
Dalawang araw ko nang hindi nakikita ang Arra my loves ko. Huhu! Eh kasi naman.. Kailangan ba talaga nilang magseminar sa malayo? Hindi ba pwedeng within Manila area nalang para kahit papano nadadalaw ko sya at nahahatiran ng pagkain? Nakakainis! Palagi kasi kaming nagsasabay kumain nun. I never let her skip even a single meal. Medyo sakitin kasi sya eh so I really have to take good care of my loves. Paano nalang pala kung nalilipasan na ng gutom yun? Mamaya magkasakit pa sya. Sinong mag-aalaga sa kanya pag nagkataon? What the heck!
Nasa Baguio kasi sila ngayon ng mga ka-block nya at iba pa nilang ka-batch because they have to attend a 1 week seminar that has something to do about their course. This is the second day na hindi ko sya makakasama at OA na kung OA but I really really miss her already at hindi na ako nasanay na hindi sya kasama. Gusto ko na nga sana syang sundan sa Baguio eh kaso magagalit daw sya kapag ginawa ko yun. Kailangan ko na muna daw bumawi sa mga team mates ko at patunayang inspiration ko sya at hindi distraction.
Eh kasi naman.. We, specifically I, still need to train hard after losing the game against Ateneo sa first round ng finals kahapon. Ako kasi ang naging tampulan ng sisi because I was out of focus. Yung araw kasi ng first round ng finals ay ang araw din ang alis nila Arra so meaning hindi sya nakanuod. Kaya medyo malungkot talaga ako that day kaya ayun.. Ang pangit ng laro ko. I was scolded by Arra pa at that time because of what happened. Syempre, damay sya dun eh and I can't blame her for that. But can you blame me? Sobrang miss ko lang talaga kasi sya eh!
Inaamin ko naman eh. I was one of the reasons why we lost the game. My team mates really expected me to step up that time because they were very confident that I'll play at my best because of my inspiration. Kaso palpak eh.
"How was the training babe? Good thing nakabili ka agad ng bagong phone."
"Of course. I can't afford na mawalan ng communication sa'yo noh. The training went well, babe. Medyo sa akin lang pinakafocus si Coach Juno because of my poor performance yesterday."
We're having skype through phone ng pinakamamahal ko. Gusto nya daw kasi akong kumustahin after what happened yesterday. Hindi kasi kami masyadong nakapag-usap ng maayos sa phone kahapon dahil nga affected kaming lahat sa pagkatalo namin. Tyaka phone lang din ni Jeron ang gamit ko dahil nawala yung phone ko nung isang araw. Darn! I miss my girl so much!
"Oohh.. Ikaw naman kasi eh. You were out of focus. Don't ever be like that again, babe. Your team mates are expecting a lot from you. You supposed to be dragging them up instead of dragging them down."
"Yeah, I know babe.. I already apologized to them na naman. At first, syempre medyo ako pa sinisisi nila. But eventually, they understood. And that's what I'm thankful about. They're very understanding. And I'm sorry too because you were involved. I just really can't accept the fact that my girlfriend weren't able to watch me playing. Para sa'yo dapat yung game na yun eh. Kaso palpak naman." I said with a sad face.
"Aww.. Don't be sad na babe. Bawi ka nalang next time. And besides.. I can't blame you kung masyado kang nahuhumaling sa akin kaya namimiss mo ko kaagad." she said while jokingly laughing.
"Whatever babe. Aren't you happy because I miss you that much?! At tyaka.. Ako ba hindi mo namimiss? Parang gusto kong magtampo." nakakabakla mang sabihin pero inirapan ko sya.
"Sus. Tampochuchu agad ang babe ko? Of course namimiss na din kita no! I'm just really not that expressive but deep inside I'm missing you to bits already. Tingin ka na sa akin ulit oh.." paglalambing nya. Ako naman hindi makatiis. Mahal ko eh.
"Uwi ka na kasi." matipid kong sagot pagkaharap ko sa kanya.
"Hindi pa pwede noh. This is just the second day so we still have 5 days here. Can't you wait for that? Mabilis nalang yun."
BINABASA MO ANG
TEARDROPS ON MY GUITAR
Fiksi PenggemarMahirap magmahal.. Lalo na kung "one sided love". Naramdaman nyo na ba yun? Yung feeling na ikaw lang yung Nagmamahal? Yung hindi nya maramdaman at mapansin na Mahal mo sya? Yung pagkakaibigan lang talaga Ang kaya nyang i-offer sayo? MASAKIT, DIBA? ...