ANYA POV
Pagkatapos ng nangyare kanina ay umuwi na kami ng hindi nakapag paalam ng maayos.
Nakatulala parin ako habang pabalik balik sa isip ko ang nangyari kanina, hindi ko lubos maisip na hinalikan n'ya ako sa harapan nila tita.
“Anya?”
Hinawakan ko naman ang labi ko at iniisip parin ang paraan ng paghalik nito.
“Anya?”
Napahagikhik naman ako at napailing iling, hayss dapat magagalit ako eh. Pero jusko anong nangyare sayo Anya?!
“Anya? Babaliw naba ikaw?! Kanina pa ikaw umagik-ik d'yan, tapos tawag ko ikaw ayaw mo sumagot are you bingi bingi naba Anya ko?” Napa lingon naman na ako kay Zack na humihingos, at nag tatrapo ng luha.
“A-,ah, ayos lang ako zack.” Jusko Anya umayos ka kasi ang tanga tanga mo.
Napanguso naman ito at umiling iling.
“Dadalhin naba kita sa hospital?” Mas lalo naman akong mabilis na napailing iling.
“Ano kaba naman Zack, ayos lang talaga ako jusko ka.” Saad ko.
“Don’t galit galit na Anya, I'm just worried, b-baka babaliw ikaw.” Parang batang ani nito, eh kanina nakakatakot 'to.
“I’m okay Zack,” Maya maya pa ay tumunog ang cellphone nito.
“Yes?” Tanong nito sa kabilang linya, bigla naman nagdilim ang paningin nito.
“Okay, just don't let them in. I'll be there in a minute.” Ani nito sa malamig na boses, Nagtataka na talaga ako bat paiba iba mood nito.
“Stop here, anya may pupuntahan lang atho ah? I-ingat ikaw pauwi,” Saad nito at hinalikan ako sa noo.
Nag alala naman ako ng makitang nagmamadali ito, may lalaking naka motor din na sumundo dito.
–
–JOHEN POV
Mabilis naming iniliko ang sasakyan at iginiya sa ibang direksyon, nakasunod parin samin ang sasakyan na nasa likod.
May plano pala sila alamin kong saan ang hide out namin para sumugod.
Bigla naman nilang pinaputokan ang gulong namin, nagtawag nadin kami ng back up at kay boss.
“Nahihirapan na akong e control ang sasakyan,” Ani ni Eldon, tumayo naman ako at inilabas ang ulo sa kotse para paputokan ang mga nakasunod.
“Itigil mo d'yan,” Ani ko kay Eldon ng makakita ng abandonadong bodega.
Mabilis kong isinuot ang maskara ko ganon nadin si Eldon, simbulo ng isang RED DRAGON na pinamunoan ni ZACK THE THIRD MODEO.
Mabilis kaming lumabas at nagtago sa abandonadong bodega, malapit nadin ang back up. Maya pa ay dumating na ang mga sasakyan na nakasunod samin, pinaputokan naman nila ang bodega.
“What now? Are we gonna play hide and seek?” Ani ng isang pamilyar na boses.
“Andito ang boss nila, si Clinton.” Ani ni Eldon sa likod ko na nakatago din.
“Paparating na sila,” Saad ko, maya maya pa ay dumating na ang mga back up at nag putokan na sa labas.
“Siguradohin n'yong makuha n'yo ang mas pinagkatiwalaan ng unknown name na boss ng mga 'yan,” Ani ni Clinton.
Mabilis na lumabas kami sa nag putokan ng baril, nasan na kaya si boss.
Napatigil naman ako ng may kumasa na baril sa ulo ko, napatuod nman ako.
“Put your gun down,” Mabilis na sinipa nito ang tuhod ko at napaluhod ako, ganon nadin si Eldon.
Itinali nila kami sa likod ng abandonadong bodega, maya maya pa ay may dumating na motor at alam kong si boss nato.
Sa paraan ng lakad at porma nito na nakakatakot, mararamdaman mo ang takot sa paraan ng pag tingin nito.
Nauna na ang mga kasamahan namin at nakipag putokan, habang si boss naman ay naglalakad papunta samin na walang bakas na takot at pag alinlangan. Naka maskara din ito.
“Yan ba ang boss n'yo? Ang tanga tanga,” Ani ng isang tauhan ni Clinton na gumapos samin, alam kong narinig iyon ni boss.
Maya maya pa ay biglang natahimik ito sa pagtawa, paglingon ko may nakaturok na na kutsilyo sa nuo nito.
Napatingin naman ako kay boss, nakahawak nadin ito ng isang kutsilyo. Napailing iling na ngumisi naman ako, he's our bestfriend since bata palang kami.
“Give them to me, and all of you can go back safe and sound.” Ani nito sa napalamig ng boses.
“And who you are to command my people?” Ani naman ni Clinton.
“Then, it's a no.” Mabilis na gumalaw ang mga kamay ni Zack at nilaro laro ang kutsilyo. maya maya pa ay sabay na bumagsak ang tatlong tauhan ni Clinton, I knew it.
“Barilin n'yo s'ya.” Utos ni Clinton, mabilis na kinuha naman ni boss ang dalawang baril sa bulsa n'ya at nakipag putokan, para kaming nanunuod ng sine sa nakikita namin ngayon.
Maya maya ay bagsak na lahat ng tauhan ni Clinton tanging isang babae at dalawang lalaki na kanang kamay nalang nito ang naiwan.
“What kind of leader you are? You can't even protect your people.” Saad ni Zack at umiling, nakakatakot ang awra nito.
“We’re not done yet,” Ani ni Clinton at mabilis na may tumigil na sasakyan at umalis na.
Susundan pa sana ito ng mga tauhan namin kaso nagtaas kamay si Zack na ang ibig sabihin ay wag na.
“Let them leave, ako ang tatapos sa kanila.” Napangisi naman ako, mabilis na kinuha nila ang tali sa katawan namin.
“Sinundan nila kami para malaman kong saan ang hide out natin, buti nalang nakita namin agad ang kahina hinala na galaw ng isang sasakyan.” Saad ni Eldon, napatango naman si boss.
“Let’s go back,”
Pag dating namin sa hide out ay pinagamot na ang may mga sugat.
“I have to go, Anya si waiting for me.” Saad nito at tumayo na.
“Ehem,” Kunwaring ubo ko.
“Ehem, ehem.” Ani naman ni Eldon, natatawa naman kami sa reaction nito.
“Ano bro, iba na 'yan.” Ani ko pa, nag iba naman ang tingin nito. Humagalpak naman kami ng tawa ni Eldon, ang sarap talaga nito pag tripan.
“Shut up mother fucker,” Ani nito at umalis na, kahit kailan talaga ang seryosong tao nito.
.
.
ANYA POVNag alala naman ako ng wala pa si Zack, alas sais na ng gabi.
Kanina pa ako nakaupo dito sa sala, naiisip ko din si tatay. Kamusta na kaya s'ya doon?
Napabalikwas naman ako ng may marinig na ugong ng sasakyan, si Zack.
“Bat ngayon kalang? Saan kana naman nanggaling?” Tanong ko dito.
“Nothing, may emergency lang.” Ani nito at hinalikan ako sa noo, pati ako nasanay nadin sa kaka halik nito sakin hmp.
“Have you eaten already?” He asked.
“Hindi pa, hinintay kita eh.”Saad ko, dinala ko naman s'ya sa mesa para kainin na ang hinanda kong hapunan.
Habang kumakain kami ay bigla ako siniboan ng pork, jusko kanina ko payan iniiwasan ang ulam nayan eh. Diet ako.
“I won't eat that, I'm on diet.”Saad ko at umiling iling.
“Eawt it or i will eawt you?” Ani nito sa seryosong boses na kinakaba ko.
BINABASA MO ANG
MY CHILDISH HUSBAND IS A MAFIA BOSS
RomanceGaling si anya sa isang mahirap na pamilya, nag aaral ito kasabay ang pagtrabaho para maka ahon araw-araw, maagang namatay ang ina nito. Ang ama naman ito ay naging pabigat simula nong namatay ang Ina nito. Isang araw dumalaw ang ninong nito para ya...