CHAPTER 7

100 2 1
                                    


ANYA POV

Maya maya pa ay sinukat ko na ang dress, papalabas na sana ako ng may biglang humila sakin at tinakpan ang bibig ko.

Bigla naman ako nito tinulak ng nasa loob na kami ng cr, ng tiningnan ko si Camille.

“Hoy ikaw, hindi ko talaga lubos maisip kong anong meron sayo na wala sakin. Kong totoosin, your ugly. walang wala sa katawan ko ang katawan mo,” Nainsulto naman ako sa sinabi nito, dinala lang ata ako nito para insultohin.

“Alam mo, maganda ka eh. Pero sayang hindi kasing ganda mo ang ugali mo,” Saad ko dito na ikina maang n'ya, inuubos nito pasensya ko.

“And who are you para pag sabihan ako ng ganyan ha?” Galit na ani nito.

“Wala kana don kong sino man ako,” Tila Nainsulto naman ito, bigla n'yang sinampal ang pisngi ko na ikinainit ng ulo ko.

“Hindi mo ba ako kilala ha? Kayang kaya kitang patayin ngayon din, pero no,no sweetie. Magagamit pa kita sa darating na panahon,” Nagtaka naman ako.

“Anong ibig mong sabihin?” Nagugulohan kong tanong.

“Poor Anya, walang alam sa palagid n'ya.” Tawang tawa na saad nito at umalis na.

Napaisip naman ako kong ano ang ibig sabihin nito, hays. Nagmadali naman akong lumabas at bumalik sa pwesto namin, balisa naman si Zack.

“Are you okay Zack?” Ani ko habang nakatalikod ito, bigla itong humarap at niyakap ako.

“Damn, batit ngayon kalang? May aaway ba sayo? Batit ang tagal mo?” Naka pout na ani nito, nag alala din ito.

“K-kasi wala, ayos lang ako.” Mas pinili ko nalang manahimik, ayoko mag sumbong baka sasabihin pa nong camille nayon na takot ako sa kanya.

“Alam mo bang pinag alala mo'ko? Pa'no kong dudukot sayo? Tapos ala ako hindi ko sila maaaway?” Nakabusangot na ani nito.

“Ang drama mo na naman, eto na. Maganda naba ako?” Sabay kindat na tanong ko.

“Ang danda mo palagi Anya,” Namula naman ako sa sinabi nito.

“Heh, wag mo na ako binobola.” Tanging sagot ko nalang.

Pagkatapos namin bumili ay pa byahe na kami pauwi.


ZACK POV

Nang sundan ko na sana si Anya sa fitting room, nandilim naman ang paningin ko. Nakita kong lumabas si Camille sa cr at kasunod nun si Anya, mabilis naman akong bumalik sa pwesto namin.

Balisa parin ako kong bakit mag kasunod silang lumabas, damn that woman. Baka anong pinag sasabi n'ya kay Anya.

Nakarating na kami sa mantion at nauna nang bumaba si Anya at si amora.

“That Camille, kunin nyo s'ya at dalhin nyo sa dating hide out. Hihintayin ko kayo doon,”Galit kong saad bumyahe na.

Nakaupo ako sa dating hide out habang nag hihintay sila.

“Ano ba, let me go.” Rinig kong boses ni Camille, napangisi naman ako.

“Itatali naba namin 'to boss?” Tanong ni johen, tiningnan naman ako ni Camille.

“W-what the meaning of this Zack?! Are you insane?” Sigaw nito sakin, tinitigan ko ito sa mata.

“What did you do to her? Don't you dare tell her everything.” Galit kong ani.

“Why? Are you afraid na baka hindi n'ya matanggap? Are you afraid na baka iiwan ka n'ya na mamamatay tao pala ang Zack na nakilala n'ya na inaakala n'yang sobrang bait.”Nag init naman ang ulo ko sa sinabi nito, mabilis kong hinawakan ang pisngi n'ya.

“I didn't warned you, but if you won't shut your mouth, you know what i can do.” Ani ko, kinuha ko naman ang pinainit na bakal na may dragon sign.

“W-what are doing? Ahhhh stop!” Malakas na sigaw nito ng bigla kong idikit sa likod n'ya, this is a sign na red dragon may warning na s'ya and if she failed, well she deserves to be punished and to die.

Nawalan naman ito ng malay, hulma na ang dragon sa likod nito.

“Ibalik n'yo yan sa condo nya, keep an eye on her.”Saad ko at umalis na.

I won't let someone na makakasira sa tiwala ni Anya sakin, she's my everything now.

––
ANYA POV

“Baytttt ngayon talang dumaying sa buway koooo~,” Napangisi naman ako ng marinig kong kumakanta si Zack.

“Piyit binubuksan ang sayado ko ng pusoo.~” Dugtong pa nito, napailing iling nman ako. Hindi ba nito alam na ang cute n'ya.

”Ikaw ha? Bakit ngayon kalang?!” Kunwaring galit kong tanong dito, kakadating lang kasi nito.

“May impoytante lang atho na pinuntahan anya.” Sagot nito na papikit pikit pa.

“Mas importante paba 'yon sakin ha?” Kunwaring nag tatampo kong tanong dito.

Papikit pikit naman ito at nag pout.

“I-indi yan totoo anya ko, m-mas impoytante ka sakin.” Sagot nito na nag teary eyed na, hinawakan nito ang mukha ko at iniharap sa kanya.

“Mas importante ka sa lahat, you're my everything now anya.” Seryosong Saad nito na ikinapula ng pisngi ko.

“Z-zack, a-ano.” Nilagay naman nito ang diliri n'ya sa bibig ko, nakatitig naman ako sa mga mata nito na mataman akong tinitigan.

“Don’t say anything, can you promise me something?” He seriously asked.

“A-ano yon?”

“If may malaman kabang na hindi mo magugustohan tungkol sakin, iiwan mo ba atho?” Seryosong tanong nito.

“A-ano bang klaseng tanong 'yan Zack?!” Kinakabahan ko nang tanong.

“Shh, kong may malalaman kaman, hurt me, do whatever you want, just please don't leave me?” Ani nito, napatango naman ako. Hindi ko alam pero importante na si Zack sakin.

“Let’s sleep?” Saad ko dito, tumango naman ito at bigla akong binuhat na parang bridal papuntang kama.

Nag pumiglas naman ako dahilan para ma out of balance s'ya at napaibabawan ako, naiilang naman ako sa posisyon namin ngayon nasa ibabaw ko si Zack.

Unti unti n'yang inilapit ang mukha n'ya sakin kaya pumikit ako, naghintay ako ng ilang segundo pero wala pang labing dumikit sa labi ko, kaya unti unti kong iminulat ang mata ko. Uwahh kakahiya tinitigan ako nito ngayon.

“You want me to kiss you hm?” Nakangising ani nito.

“Che, umalis ka nga d'yan naiinis nako sayo.” Ani ko na halatang pulang pula na ang pisngi ko.

Bigla nitong inangkin ang labi ko na tinugon ko naman agad, ikinawit ko ang kamay ko sa leeg n'ya at mas pinalalim pa ang halik.

––

MY CHILDISH HUSBAND IS A MAFIA BOSS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon