Ikatlong Kabanata

1 0 0
                                    

From 09*******42:
This had been the worst day of my existence. I failed. For the first time, I fucking failed. Fuck you universe for being too cruel. I hate you. I fucking hate you.



From Raki Moao:
Where's my Yakult?



Niko:
Hi, hehehe. I forgot about your Yakult. Pero nagbigay ako kay Ellaine ng matcha donut.



Niko:
[sent a photo]



Raki:
No thanks. I don't eat matcha.



Niko:
Sorry talaga:( Nakalimutan ko lang po. Ibigay mo na lang kay Ellaine yung donut para hindi sayang.



Eraya notices how Niko's lips protrude while staring at his phone. Kanina pa siya distracted kaya hindi siya makafocus sa pagrereview nilang dalawa.



Ibinaba niya ang librong hawak. "Sino 'yan?" He seemed shocked after hearing Eraya's sudden question.



Agad niyang isinilid sa bulsa niya ang phone tsaka umiling, "wala po."



Eraya is not a fool para hindi malaman kung ano ang nangyayari.



"Galit na naman?"



"Nakalimutan ko siyang bilhan ng Yakult. Nangako kasi ako kahapon. Kaso medyo lutang ako kanina." Napabuntong hininga ito.



"So, ikaw 'yung nagsusupply ng Yakult doon?" Tumango si Niko.



"Raki's a good lady, Niko. Hindi lang siguro niya ipinapakita sa iyo. But I really want to ask you something," she removed her eyeglasses before focusing on Niko.



"Uh, hanggang saan 'yang hangganan mo? I mean, no offense. Pero what if pagkatapos ng lahat ng ito, walang mangyari?"



Niko shrugged before showing his downward smile.



"Titigil na," nagulat si Eraya sa sagot niya.



"Hindi sa dahil alam kong walang mangyayari, pero kasi... Feeling ko nakukulitan na siya sa akin. Don't get me wrong. Alam ni Lord na ayaw kong tumigil, I just don't want him to feel uncomfortable kasi." Napatango si Eraya.



Niko has a point. A huge point, actually.



She can't help but smile. Nagulat siya nang biglang iabot ni Niko ang phone nito sa kaniya.



"Sa 'yo muna, lods. Para makafocus na ako," kinuha naman ni Eraya ang phone nito at inilapag ito sa tabi ng phone niya.



"Ellaine!" Raki called.



"What?"



"Buy me some Yakult," she smiled cutely then pouted.



"Eh? Nasaan na naman yung daily dose ng Yakult galing sa manliligaw mo?" Tanong nito.



"Pwede bang 'wag ka nang magtanong?"



Ellaine laughed loudly. "Ayan, tanga. Reject reject ka pa, ah."



"Hindi ko nga siya gusto! I just want my Yakult, bilhan mo 'ko ng Yakult."



Ellaine shook her head before heading out.



Damn, Raki. Hanggang kailan ka magiging matigas?



Niko:
Raki, labas ka po room niyo.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon