Chapter 2
March 20.
Monday.
"Ang init na, tangina. Kailan ba matatapos 'yong announcement?" bulong ni Sherile, isa sa mga classmate kong tulad ko'y medyo sa likuran ang pwesto tuwing flag ceremony.
"Marinig ka ni Ma'am," puna ko dahil medyo malakas ang boses niya.
"Eh, ang tagal-tagal kasi. 'Di nalang i-announce sa gc, tirik na tirik na 'yong araw, oh." Pagrereklamo pa niya. "Balak 'ata nila tayong tostahin. Usog tayo palikod?"
Tumawa na lamang ako sa pagrereklamo niya at hinawakan ang balikat niya para maiayos ang tindig niya upang makasilong ako sa tindig niya. Yumuko ako ng kaunti habang pinipigilan ang pagtawa nang marinig ko ang kaniyang pag-alma.
"Putcha, ang traydor mo, Charise."
"Okay, tha's all for today. You may now proceed to your respective rooms,"
And with that, everyonbe rejoiced and almost ran their way to their rooms. Nagrereklamo pa ang iba. Sa pagmamadali na rin ng ilan ay kinailangan pa naming huminto at maghintay ng ilang minuto para lang makadaan at hindi mabangga.
"Oy, sino'ng may lotion diyan? Sakit ng balat ko,"
"Arte mo, tanga."
"Gan'yan talaga 'pag kutis-"
"Ang layo, Melly. 'Wag mo nang ituloy,"
"Tse!" pantataboy niya sa bumara sa kaniya. "Charise, may lotion ka ba? Pahingi,"
"Patanong-tanong ka pa riyan. Halata namang kay Charise ka humihingi kanina!"
Umiling na lamang ako at inilabas ang hinihingi nila bago tuluyang lumabas ng room para mag-cr. Nang maalalang under maintenance pala ang iyon hanggang bukas ay wala akong nagawa kundi tahakin ang hagdanan para maki-cr sa Grade 11.
Habang pababa ay nakita ko si Mrs. Dancel na mabilis na naglalakad papuntang likod ng building.
What's with the rush? Anong meron sa likod ng building?
My forehead creased. And yes, curiosity killed the cat. I sneakily followed her. Hanggang ngayon ay malaking palaisipan pa rin sa akin kung bakit niya binigyan ng line of seven si Tallianna.
Ang sabi niya sa akin ay tinawag daw siya nito noong huwebes last week para ipaalam sa kaniya ang nacompute na grado. And when she asked why is it that way, ang sabi raw ay dahil sa mabababa nitong nakuha sa nakaraang quizzes at exam.
And that reason confused the hell out of me. Eh, mas mababa pa nga ang score ko sa exam kaysa sa kaniya.
Kadalasang sinasabi nilang huwag kaming masyadong mabahala sa makukuha sa exam dahil maliit na porsyento lamang iyon at sa partisipasyon at pag-uugali kami bumawi pero hindi maipagkakaila na malaking factor pa rin ang score sa exam sa magiging grado namin.
If Tallianna indeed got a line of seven in FABM2, then, does that mean I failed too? Then if I did, why didn't Mrs. Dancel called me? To at least inform me about it?
"I apologize for my recent remarks," I heard a familiar voice. Nanlaki ang mata ko. "This isn't the first time I noticed you, if not gazing at my every moves, following me around when I'm all alone,"
"Christine..." I heard a slight hesitation and something in Mrs. Dancel's voice when she called her name.
Wait... Did I really heard it right? She sounds so... hurt.
"You are creeping me out, Ma'am."
"I-I'm sorry," her voice shook.
My forehead creased more. What the hell is going on?