NG
- Ginagamit ito kung ang sumusunod na salita ay pangngalan.Halimbawa: Ang bilis ng takbo ni Juan.
(PANGNGALAN - Ito ang salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.)
- Ginagamit ito kung ang isang bagay ay superlatibo
Halimbawa: Ubod ng sarap ang lutong adobo ni inay.
(SUPERLATIBO - Ito ay ang mga salitang labis-labis katulad ng: ubod ng at puno ng)
- Sumasagot sa tanong na ano, sino, at kanino.
Halimbawa: Hiniling ito ng kasintahan ni Juan.- Sumasagot sa tanong na kailan.
Halimbawa: Sa ika-pito ng umaga raw ang pagpupulong sa lunes.
NANG
- Ginagamit ito kung ang sumusunod na salita ay pandiwa.Halimbawa: Tumakbo nang mabilis si Juan.
(PANDIWA - Ang pandiwa o verb ay isang salita o bahagi ng salita na nagsasaad ng kilos o galaw, pangyayari, o katayuan ng isang tao, hayop, o bagay.)
- Sumasagot sa tanong na paano at gaano.
Halimbawa: Siya ay tumakbo nang mabilis, Ika'y kumain nang marami.
- Ginagamit ito kapag umuulit ang salita
Halimbawa: Hay nako! takbo nang takbo na naman ang alagang aso ni Juan.
- Ginagamit bago ang salitang maaga
Halimbawa: Ika'y nakatulog ba nang maaga?
- Pamalit sa salitang noong, para, upang, at na.
Halimbawa: Ako'y maagang gumawa nang gumawa rin ang iba.
BINABASA MO ANG
TARA NA! HALINA'T MATUTO
DiversosMarahil ay marami pa rin sa atin ang walang masiyadong kaalaman sa wastong paggamit ng wikang ating binibigkas. Ika'y huwag mag-alala sapagkat narito ang butihin niyong makata para dagdagan ang kaalaman ng inyong isip at salita! TARA NA! HALINA'T MA...