SILA at SINA

3 0 0
                                    

SILA at NILA
- Ang sila at nila ay mga panghalip panao na hindi sinusundan ng pangalan ng tao.

Halimbawa: Nakasama ko na sila rati; Tandang-tanda ko pa ang mga pangalan nila.

SINA at NINA
- Ang sina at nina ay ginagamit bago ang mga pangalan ng dalawa o higit pang mga tao.

Halimbawa: Nakasama ko sina Juan at Maria rati; Ang gaganda ng mga anak nina Juan at Maria.

TANDAAN!
-

Walang salitang kila.

- Ang kina ay maramihang kay.

TARA NA! HALINA'T MATUTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon